Michelle Obama
Kaarawan: Enero 17,1964
Malalim mag-isip at madalas na ginagamit ang tamang katuwiran bago gumawa ng anumang desisyon. Mahalaga sa kanilang malaman ang bawat detalye para sa patas na paghuhusga.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – May dapat kang patunayan ngayon sa sarili at sa pamilya. Mahalaga ang may isang salita. Ipakita sa ibang tao ang sinseridad para makumbinsi sila sa iyong ideya at pananaw. Lucky color: Brown, lucky number: 28.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga delay na hindi maiiwasan. Sa halip na magalit ay gumawa na lang ng iba para hindi mainip. Dagdag pressure ang nararamdaman mong tensiyon sa trabaho. Maging kalmado kahit na may takot. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Irespeto ang opinyon ng ibang kasamahan. Hindi ikaw ang kailangang laging masunod. May ilang plano na hindi agad matutuloy. Maghintay ng magandang pagkakataon. Lucky color: Silver, lucky number: 13.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May komplikasyong hatid ang isang sitwasyon. Ihanda ang sarili sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kailangan mo ng isang taong mapagkakatiwalaan para alalayan ka sa mga teknikal na aspeto ng negosyo. Lucky color: Brown, lucky number: 14.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masyadong sensitibo ngayon ang ka-partner kaya mas kailangan ng ibayong pang-unawa. Posibleng maging personal ang ilang isyu. Idaan sa masinsinang pag-uusap ang hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Gray, lucky number: 29.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang maging masyadong sensitibo. Huwag personalin ang isang biruan. Matutong makibagay kahit sa mga taong hindi mo kasundo. Sa pamamagitan nito ay maipapakita ang iyong maturity. Lucky color: Red, lucky number: 17.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Importante ngayon na bigyang pansin ang aspeto ng kalusugan. Kung nasosobrahan ka na sa pressure, kailangan mo ring mag-unwind. Mamasyal sa mahanging lugar. Kailangang ma-relax ang isip at katawan. Lucky color: Blue, lucky number: 22.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Batid ng kausap mo na hindi ka nagsasabi ng totoo. Huwag nang itago ang mga bagay na nagpapabigat ng kalooban. Humingi ng dispensa sa taong nasaktan. Magkaroon ng isang salita. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang bagong sistema ang hindi masamang subukan. Mabuti ito para ma-boost ang confidence. Maraming matang nakatingin kaya ingat sa kinikilos. Matutong manahimik kung kinakailangan ng sitwasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 33.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Bagama’t hindi pamilyar ang lahat ng hakbang, may paraan para makabuo ng sariling estratehiya. ‘Wag nang maghintay ng ebidensiya bago magtiwala sa sariling kakayahan. Lakasan ang loob para sa malaking desisyon na gagawin. Lucky color: Black, lucky number: 6.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi na maibabalik ang nakaraan. Gaano ka man naging masaya, alalahanin na ang lahat ay may katapusan. Mag-focus sa kasalukuyan. Marami pang magagandang kaganapan sa araw na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 19.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi masamang mangarap sa pinakamataas pero huwag masyadong mabulag sa malaking pera. Ang importante ay masaya ka sa iyong ginagawa. Magpasalamat sa magagandang dumarating sa iyong buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 22.