Horoscope 01/19/19

Kerby Raymundo
Kaarawan:
Enero 19, 1981

Gagawin ang lahat para makuha ang anumang gustuhin. Kahit na malayo o mahirap, hindi ito magiging hadlang para sa kanya. Buo ang loob na sumabak sa anumang laban basta’t ito ang kanyang pinaniniwalaan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan ang sobrang paghahangad. Makuntento sa anumang hawak. ‘Wag mangamba, makikiayon ang lahat sa iyong mga plano sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa mga ­susunod na araw, maaari kang mapasabak sa adventure na ngayon mo lang mararanasan. Puwedeng kang magbiyahe. Lumabas at magparamdam sa mga kaibigan kaysa magmukmok nang buong araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 25.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mahirap awatin sa gusto ang iyong damdamin. Makikia­yon din ang iyong partner sa buhay. Iwasan ang sobrang masalita para hindi mainis ang kausap. Lucky color: Blue, lucky number: 39.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maraming pagsubok at bagong karanasan ang naghihintay. May bagong atraksyon na ipinahihiwatig. Ihanda ang sarili sa bagong lugar. Madali lang makakapag-adjust dahil buo ang loob mo para sa gustong pagbabago. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag ­umasa sa hinahangad na perfection. Hindi ito mangyayari kaya mas mabuting tanggapin kung ano ang dumating. Lawakan ang pang-unawa at habaan ang pasensya. Palagpasin ang bugso ng emosyon. Lucky color: Pink, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang special someone ang magiging sentro ng araw na ito. Kung single ka, matutuloy sa ibang level ang relasyon. May magiging hadlang na kasama sa pamilya. Ngayon pa lang ay ayusin na ito. Lucky color: Red, lucky number: 28.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malaki ang posibilidad na mahulog ang loob sa taong madalas na kasama. Maaaring sa umpisa lamang ang magandang samahan. May mga lilitaw na problema na hindi mo inaasahan. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ikaw ang unang magpakitang-gilas. Marami kang dapat patunayan bago tuluyang mapansin. Hindi solusyon ang pananahimik. I-address ang isyu para madaling malutas ang problema. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Anuman ang plano mo, ituloy mo lang ito. Ibuhos ang buong effort. Malapit na ang iyong tagumpay. Manalig at magtiwala sa sariling diskarte. Lucky color: White, lucky number: 37.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Buksan ang isip sa ibang posibilidad. Kabilang dito ang mga bagong kakilala na magkakaroon ng mabigat na papel sa buhay mo. Tuloy-tuloy lang ang hakbang sa tamang landas. Lucky color: Gray, lucky number: 49.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Tanggalin ang mga hinanakit na nagpapabagal sa iyong buhay. Palayain ang tao na hindi para sa iyo. Hintayin ang tamang panahon para sa hinihintay na regalo. Lucky color: Red, lucky number: 47.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bigyan ang sarili ng panahon para makapagrelaks. Hindi lahat ng oras ay kailangang magtrabaho. Ipa­ramdam sa ka-partner ang iyong pagmamahal. Maging extra sweet at maasikaso sa kanya. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.