(Voice of Green Lantern, Samurai Jack)
Kaarawan:
Enero 24,1967
Ilan sa mga likas na katangian ng mga lalaking Aquarius ay ang pagiging mabait, palakaibigan at generous. Hindi sila masyadong expressive lalo na sa kanilang emosyon. May pagka-rebelde na isang obvious na character trait ng kanilang zodiac sign.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – May pag-uusap at biyahe na magaganap. May isang taong swak at may parehong interest. Magpapalitan ng cellphone number. Hindi maikakaila ang magandang chemistry ninyong dalawa. Lucky color: Red, lucky number: 15.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tignan ang paligid ng kabahayan para makita ang mga dapat ayusin. Isang kaanak ang handang tumulong sa gastusin. Kung wala pang oras para magbago ng pintura, mas mabuting maglagay muna ng halaman at mga bulaklak para may mabago sa paningin. Lucky color: Yellow, lucky number: 51.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tungkol sa pamilya, bahay at sarili ang laman ng isipan. Tuparin ang mga obligasyon. Lawakan ang pang-unawa. Mas kailangan mo ngayong ma-relax dahil magiging super abala sa darating na mga araw. Lucky color: Brown, lucky number: 5.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magkakaroon ng mga bagong kaibigan. Matutuwa sa magiging takbo ng usapan. Ihanda ang mahahalagang dokumento. Tandaan ang pangalan ng mga contact na magagamit mo sa iyong trabaho. Lucky color: Silver, lucky number: 4.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag itaboy ang isang tao na humihingi sa iyo ng tulong. Pakinggan ang mga sinasabi nito. May mensahe na hatid ang mga kaganapan ngayong araw. Piliting maintindihan ang koneksyon nito sa iyong future. Lucky color: Orange, lucky number: 38.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi maikakaila ang malakas na intuwisyon. Sa halip na dedmahin ito, bakit hindi mo subukang intindihin ang sinasabi nito? Walang mawawala kung aalamin ang lakas ng iyong kapangyarihan.Lucky color: White, lucky number: 33.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Makakaramdam ng matinding pagka-inip. May magandang oportunidad na hindi matatanggihan. Mamasyal sa paboritong lugar para sumaya. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Makakaya mong basahin ang isipan ng ibang tao. May kakaibang ganap na gigising sa iyong diwa. Hindi mo ito papansinin sa umpisa subalit hindi ka makakatulog sa gabi dahil dito. Lucky color: Silver, lucky number: 11.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Masuwerte sa araw na ito. Puno ng magandang sorpresa tungkol sa pera. Samantalahin ang oportunidad. Lahat ng sensyales ay nagsasabi na maganda ang pasok ng bagong negosyo. Lucky color: Lucky color: Gold, lucky number: 44.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-focus sa taong nasa malayo. ‘Wag panghinaan ng loob kung may komplikasyon sa isang napagplanuhan. Maghintay muna ng ilang araw. Magpalamig muna bago ulit magsimula ng bagong plano. Lucky color: Silver, lucky number: 8.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi ka mauubusan ng opinyon. Masaya ka sa pakikinig ng mga kuwento. Dahil dito, magiging tahimik ang buong araw. Pero may ibang kuwento bukas na kailangang paghandaan. Lucky color: Gray, lucky number: 9.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maging mas maingat kung may mga kasunduang kailangang pasukin. Alamin munang mabuti ang lahat ng posibilidad. Mahirap nang mapasubo sa bagay na wala kang kamalayan. Pag-aralang mabuti ang dokumento bago ibigay ang iyong commitment. Lucky color: Brown, lucky number: 54.