Horoscope 02/06/20

Bob Marley

Kaarawan:
Pebrero 6, 1945

Sila ang klase ng tao na hirap magsinunga­ling. Sasabihin nila kung ano ang totoo kahit masakit pa itong pakinggan. Kung late man silang dumating sa kanilang first date, asahan na may dala silang sopresa sa susunod na pagkikita.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – May pagka-impulsive ka ngayon at puwedeng malagay ka sa isang hindi inaasahang sitwasyon. Tandaang walang pagsisisi sa unahan. Kontrolin ang iyong aksyon pati na ang pananalita at nang makaiwas sa bulilyaso. Lucky color: Brown, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa araw na ito, hindi parehas ang lahat. Iwasan ding mangopya. Ang taktikang umuubra sa ibang tao ay hindi laging applicable sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 5.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maari mong makabangga nga­yon ang isang kaibigan. Dahil ito sa magkasalu­ngat ng opinyon sa isang crucial na paksa. Panindigan ang iyong posisyon lalo na kung kaligayahan mo ang nakataya. Lucky color: Yellow, lucky number: 54.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Push mo pa ang sarili mo. Hindi puwedeng tutulog-tulog sa pansitan. Malalagpasan ka ng mga oportunidad kung hindi ka magpopokus. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang makakapigil sa iyong magbigay ng komento pero hindi lahat ay interesado sa sinasabi mo. Hindi na maha­laga kung makumbinsi mo ang mga tao sa iyong harapan basta maipara­ting mo ang mensaheng kinakailangan. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi ka dapat diktahan ng sinuman sa iyong mga pagdedesisyon. Isang kapamilya ang nagiging masyadong demanding. ‘Wag matakot kung ma­kagawa man ng pagkakamali dahil dito ka mas matututo. Lucky color: Red, lucky number: 51.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong igiit ang gusto mo. Ikaw ang mas higit na nakakasukat ng iyong kakayahan. Mas magiging madali ang pagkuha ng mga target mo sa buhay kung hindi ka takot umaksyon. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Marami kang malala­king plano pero kaila­ngan mo ring timbangin kung ang lahat ay reyalistiko at may tsansang magtagumpay. ‘Wag panghinaan ng loob kung magkaroon ng ilang aberya dahil kayang-kaya mo itong itama. Lucky color: Silver, lucky number: 23.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Unahin muna ang iyong pangangailangan nga­yon. Dedmahin din ang mga taong walang ginawa kundi umasa. Hindi makapaghihintay ang ilang gawain na sa bandang huli ay magbibigay benepisyo sa mas naka­rarami. Lucky color: Red, lucky number: 41.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Papasok ngayon ang mga pagdududa. Kung ie-entertain mo ang mga pagdududang ito, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa iyong mga planong sa hinaharap. Burahin ang takot at magtiwala na ikaw ay nasa tamang direksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Dapat ka nang magdesisyon pagdating sa isang usaping may kinalaman sa pera. Kapag hawak mo na ang lahat ng detalye at impormasyong kinakailangan, ‘wag nang magsayang ng oras. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – ‘Wag ma-carried away sa pakikipagharap sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Minsan sa sobrang excitement ay nakakalimutan mong may limitasyong kailangang ikonsidera sa lahat ng oras. Lucky color: Green, lucky number: 43.