James Yap
Kaarawan:
Pebrero 15, 1982
Masinop at hindi palagasta ang mga lalaking Aquaris. Pinapahalagahan nila ang bunga ng kanilang sikap at pagod kaya ganun na lang sila kahigpit pagdating sa pera. Hindi rin sila mahilig sa good time. Mas gusto pa nilang magbasa kaysa lumabas ng bahay.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag makipagsabayan sa isang bagay na taliwas sa iyong paniniwala o prinsipyo. Baka sumabog ito sa iyong mukha nang hindi mo inaasahan. Kailangan pa rin ang diplomasya kung ayaw mong malagay ka sa alanganing sitwasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang mga nangyayari sa paligid ay dapat ituring na wake up call. Marami ka pang hindi alam. ‘Wag masyadong magpadala sa stress dahil maaaring bumigay ang iyong katawan. Lucky color: Red, lucky number: 25.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maging maingat sa taong lalapitan. Hindi lahat ng mga taong tahimik ay mababait. Mahirap nang mapasama pa lalo dahil sa maling impormasyon. ‘Wag sarilinin ang bigat dahil maraming gustong tumulong sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 17.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi magiging komportable sa atensyong natatanggap. Pero deserve mo ang kredito na ibinibigay sa iyo. ‘Wag masyadong maliitin ang sarili dahil puno ka ng talento. Lucky color: Green, lucky number: 17.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ilang tao sa paligid ang panggagalingan ng iyong stress. Kakailangan mong makipaglinawan. Iwas muna sa pagkokomento dahil baka makasakit ng damdamin ng isang kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 51.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan munang magtiis. Hindi makukuha sa unang try ang gustong makamit. Dagdagan pa ang sipag. Ilang panahon na lang ang hihintayin para sa inaasam na promotion. Lucky color: Maroon, lucky number: 31.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May hatid na sorpresa ang paglapit sa iyo ng isang kaibigan. Matutong rumespeto ng opinion ng iba. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tama. Maging considerate sa ibang kasamahan. Lucky color: Blue, lucky number: 10.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Bigyan pa rin ng panahon ang romansa kahit na super busy. Ito ang magbibigay sa iyo ng dagdag na inspirasyon. Kailangan mong maging positive thinker. Walang idudulot na maganda sa iyo at sa kasalusugan kung palaging negatibo. Lucky color: Violet, lucky number: 30.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag basta manghusga kung wala pang sapat na pinanghahawakan. Maraming puwedeng mangyari sa isang iglap. Makinig sa paliwanag bago gumawa ng anumang desisyon na may kinalaman sa planong pangingibang lugar. Lucky color: Gray, lucky number: 1.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag kalimutan ang mga ipinangako. Marami ang naniniwala sa iyo kaya’t huwag hayaaang masira ang pangalan dahil sa simpleng kapabayaan. Lucky color: Orange, lucky number: 17.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangan mo lamang paghusayan ang pakikisama. Hindi ka mag-iisa sa laban kung ipapakita ang pagiging sincere. Gayunman, hindi rin mabuti ang sobrang kumpiyansa na nagiging daan para magbayang. Lucky color: Gold, lucky number: 2.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kaunting ingat sa bagong kakilala. Iligpit ang mga gamit. Mahirap nang masalisihan nang hindi mo nalalaman. Ngayon mo mapapatunayan ang sinseridad ng espesyal na kaibigan. Lucky color: Red, lucky number: 22.