`The Weeknd
Kaarawan:
Pebrero 16, 1990
May matalas na pakiramdam. Kaya niyang basahin sa pamamagitan ng kilos ang tunay na pakay ng taong lumalapit sa kanya. Hindi lang masalita pero marami siyang pambihirang ideya na puno ng aral at magagandang konsepto.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan munang mag-isip ng hindi maganda sa mga nangyayari. Makabubuting i-enjoy lamang ang bawat sitwasyon. Kung may kinalaman ito sa iyong lovelife, deserve mo ang bagong inspirasyon na magpapakilig sa iyong buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi masamang igiit ang iyong karapatan. Pero maging kalmado lang sa pagsasalita. Magdahan-dahan at iwasang maging emosyunal lalo na kung hindi kabisado ang ugali ng taong kailangan mong kausapin. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag ibalewala ang mga babala sa iyong kalusugan. Pag-ingatan ang sarili dahil ikaw ang makakagawa ng mga karapat-dapat na solusyon para sa problema. Lucky color: White, lucky number: 40.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas malinaw na sa iyo ngayon kung ano ang iyong gusto. Huwag nang magpaligoy-ligoy sa sasabihin. May pagkakataon pa namang isalba ang inyong magandang samahan. Gawin ito kung gusto mong maging fair sa lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Medyo nauubusan ka ng pasensya sa isang kasamahan. May kinalaman ito sa pagkakasalungat ng inyong mga ideya at pananaw. ‘Wag magpokus sa bagay na nasa harapan dahil may malaking nagaganap sa iyong likuran. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pakiramdam mo ay hindi nagiging ideal para sa iyo ang kasalukuyang sitwasyon ng relasyon. Walang perpekto. Sadyang may mga bagay na hindi swak sa simula pero kalaunan ay nagiging maayos dahil sa tinatawag na commitment. Lucky color: Violet, lucky number: 5.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masamang makipag-ayos. Mas pagpapalain ang taong mapagpatawad. Ikaw ang mas mababa ang kalooban kaya’t mas pagpapalain. Hindi lahat ay kailangang ituring na black and white. Minsan kailangan mong magbigay. Lucky color: White, lucky number: 19.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag gayahin ang alam mong mali. Magkaroon ng takot sa salitang karma. Walang mararating ang pinagsisikapan mo kung magiging waldas. Lucky color: Brown, lucky number: 44.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi lahat ng naririnig at nakikita ay totoo. May paraan para alamin kung ano ang totoo. Gawin ito habang maaga pa. Lucky color: Brown, lucky number: 41.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pagdating sa lovelife, masasabing may hatid na magic ang araw na ito. Kung single ka pa at wala pang commitment, bagong romansa ang hatid nito. Lucky color: White, lucky number: 10.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa araw na ito, hindi masamang pagbigyan ang nararamdaman. Minsan mas okay ‘pag walang plano. Isang malaking sorpresa ang magaganap sa iyong buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 19.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang sitwasyon ang mapapasukan ng komplikasyon. Mag-focus lang at huwag magpaapekto. Nangangahulugan lamang ito na anumang sinimulan mo ay nagpapakita ng progreso. Lucky color: Pink, lucky number: 3.