Anne Curtis
Kaarawan: Pebrero 17, 1985
Kayang makibagay ng mga babaeng Aquarius sa lahat ng klase ng tao. Masayahin at mapagkumbaba. Palabati at friendly kaya naman kinagigiliwan ng lahat. Kakausapin niya ang sinuman dahil para sa kanya pantay-pantay ang lahat anuman ang edad o estado nito sa buhay.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging palabiro sa araw na ito. May matinding pagmamahal na mararamdaman mula sa ibang tao. Magana sa pagkain, pero mas mabuting maging mapili. Ibalik ang disiplina sa trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 31.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May hindi maintindihan sa araw na ito. Malilito pero mas mabuting mag-focus. Mapapamahal sa isang tao na madalas na kasama. Espesyal ang araw na ito para maging open sa nararamdaman. Magiging masaya kung tatawagan ang iyong nanay. Lucky color: White, lucky number: 18.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa good mood para maging extra romantic. Magiging super sensitive din. Walang magiging problema kung magtatapat ng damdamin. I-enjoy ang intimate na gabi kasama ang minamahal. Lucky color: Brown, lucky number: 49.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May kaunting iritasyon sa umaga. May malakas na opinion ang isang tao na mahirap mong matanggap. Malakas ang emosyon at may magiging pagbabago sa iyong damdamin. Isang malapit na tao ang magdudulot ng problema sa relasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 6.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maging honest sa iyong damdamin. Ihanda ang sarili dahil may isang tao na biglang lalapit. May oportunidad na darating na huwag mong palagpasin. Lucky color: Green, lucky number: 10..
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ikaw lang ang nakakaalam sa iyong tunay na nararamdaman. May parang kulang sa iyong pagkatao na hindi mo maipaliwanag. Hayaang dumating ang mga bagay na hindi inaasahan. Lucky color: White, lucky number: 22.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Feeling fantastic. Samahan ang mga kaibigan sa out of town. Tsansa mo na ito para sa bagong romansa. Pag-isipan ang susunod na hakbang para mapalakas ang relasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 26.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sundin ang dikta ng iyong puso. Magiging malapit sa isang tao. May kakaibang kilig kapag kausap ang special someone. Malakas ang imahinasyon na makakatulong sa iyong mga business project. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mangingibabaw ang malakas na awra dahil sa bagong inspirasyon. Maging alerto sa mga nangyayari sa iyong paligid. May bagong mga kakilala na lalapit at makikipagkaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 26.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging sensitibo ang iyong puso. Mabilis na magagalit sa isang hindi magandang biro. Baka gusto mong tawagan ang isang kapamilya dahil matagal ka na nilang hinihintay. Pagsilbihan ang minamahal ng masarap na pagkain. Lucky color: Red, lucky number: 5.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lakasan ang loob at sabihin na sa taong napupusuan ang iyong pagmamahal. Huwag matakot dahil magiging maayos ang samahan. Ipadama ang pagmamahal nang walang pasubali. Lucky color: Gray, lucky number: 31.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maging extra sweet sa minamahal. Sumubok ng bagong strategy para masopresa ang kasuyo. Kailangan mo ngayong magpa-impress para maging memorable ang iyong gabi. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.