Cindy Crawford

Kaarawan: Pebrero 20, 1966
Madaling mahalata kapag in love ang mga babaeng Pisces dahil masaya, inspired at parang nag-iilaw ang kanilang personalidad. Ang buong atensyon ay ibubuhos niya sa taong nagbibigay ng kulay sa kanyang buhay. Hindi siya nauubusan ng energy dahil sa kanyang nag-uumapaw na emosyon.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gustuhin mo mang mapag-isa sa araw na ito ay hindi magagawa dahil sa mga kaibigan. Mas masaya kapag marami kang kausap at kasama. Kung gusting mag-solo ay humanap ng lugar na hindi ka nila mapupuntahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nararamdaman mong may mali sa mga nangyayari. Huwag pagtakpan ang kasama na nagsimula ng gulo para hindi ka madamay. Kausapin ang taong nagiging dahilan ng iyong pagkabalisa. Piliting kumalma. Lucky color: Violet, lucky number: 22.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Makakaranas ng problemang pinansyal pero magagawa mo itong malutas sa iyong maagap na aksyon. Huwag masyadong dumipende sa sinasabi ng kasama. Mas mabuting ikaw na ang humawak ng pera para hindi kapusin. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May mga hindi inaasahang tao na biglang lalapit sa iyo. Mabuting sensyales na ito na marami ang nakakapansin at naniniwala sa iyo. Gamitin ang mga susunod na araw bago magbitaw ng pinal na desisyon tungkol sa planong negosyo. Lucky color: Gray, lucky number: 11.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May stress na hatid ang trabaho. Huwag itong masyadong dibdibin para hindi mangayayat. Kung kinakailangan ay iwan ang pinagmumulan ng pressure na ito bago pa tuluyang masira ang diskarte sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag nang hanapin ang wala na. Mag-move on agad para sa iyong kabutihan. Hindi magiging pruduktibo kung patuloy na maaawa sa sarili. Ituloy ang sinisimulang pagbabago. Lucky color: Orange, lucky number: 26.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May mabubuksang bahagi ng iyong nakaraan. Kung hindi ka kumportable, magsalita ka para hindi na ito mapag-usapan pa. Pero kung tapos na ito para sa iyo, mas mabuting idaan ito sa biro para sa magaang na pag-uusap. Lucky color: Green, lucky number: 45.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang pribadong isyu ang pagmumulan ng diskusyon sa loob ng pamilya. Mag-ingat sa pagbibitiw ng mga salita. Isipin mo na lang ang maaaring idulot na sakit ng ulo kapag ginatungan mo pa namumuong tensyon. Lucky color: Silver, lucky number: 4.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May pressure na hatid ang bago mong trabaho. Sandali lang ito dahil magagamay mo rin ito kalaunan. May potensyal na bagong pagkakakitaan pero kakailanganin mong dagdagan ang iyong sipag. Lucky color: Red, lucky number: 55.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang kapamilya o kasama sa bahay ang gustong lumayo. Magkakaroon ito ng malaking epekto sa takbo ng iyong buhay. Pabayaan ito na hanapin ang kanyang sarili. Mahirap makisama sa taong walang direksyon sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 41.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas mabuting ibuhos ang oras sa pamilya. Mas kailangan nila ang iyong presence. Lumayo mula sa mga kaibigan na hindi magandang impluwensya. Lucky color: Silver, lucky number: 46.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Paborable ang aspeto ng pananalapi. Mas mabuting sarilinin muna ang nangyayari at ‘wag i-broadcast sa lahat. Hindi lahat ay mauunawaan ang iyong katwiran. Mas madali kang makakapagdesisyon kung mag-isa ka lamang mag-iisip. Lucky color: White, lucky number: 15.