Lea Salonga
Kaarawan:
Pebrero 22, 1971

Sila ang klase ng babae na tumatagal sa isang relasyon. Gayunman, mabilis ding magbago ang kanilang isip kapag naramdaman nila na hindi na sila nirerespeto at pinapabayaan. Pero kung maibibigay sa kanila ang sapat na pagmamahal at atensyon, handa nilang ibigay din ang lahat para sa kanilang minamahal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kalmado ang araw na ito. Bagama’t tila wala ka sa iyong sarili, mas maganda ito para mapag-aralan ang iyong emosyon. Nakukuha mo ba ang nararapat na respeto mula sa iyong kapartner? Mas maganda si­guro na ibahagi na sa ibang kasama ang iyong saloobin. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maayos ang takbo ng iyong araw. Nasagot na ang mara­ming katanungan sa buhay. Tapusin ang mga naka-pen­ding na project para makapag-relax na pagkatapos. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May isang tao na magbibigay sa iyo ng problema. May ipi­pilit ito na hindi mo gusto. Piliting maging ba­lanse ang buhay. Maging tapat sa iyong emosyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May e­nergy na magbibigay sa iyo ng fresh air. Tumi­gil muna sandali at obserbahan ang sarili. Maging aware sa aksyon para hindi makasakit ng damdamin ng iba. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maghinay-hinay sa gagawing hakbang. Piliting magtrabaho nang magaang sa iyong kalooban. May aksyon na makakaapekto sa pakikitungo sa ibang tao. Ma­ging maingat sa pagbibigay ng komento. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Umaayon sa iyong kagustuhan ang mga nangyayari. Matatapos nang maayos ang isang project na mag-aakyat sa iyo ng maraming pera. Pili­ting makasunod sa deadline para makuha ang pinupuntiryang bagay. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maraming sumusulpot na ideya sa isipan. May bahagi ng iyong nakaraan na hindi pa tapos para sa iyo. Kumunsulta sa isang dalubhasa para matugunan ang mga gumugulo sa isipan. Mag-focus sa kasalukuyan. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May humihila sa iyo pababa. Isa itong ma­ling paniniwala na matagal nang nagpapabigat sa iyong buhay. Kailangan mo nang tapusin ito habang may oras pa. Kausapin ang isang tao na pinagkakatiwalaan sa isyung ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang dating isyu ang babalik at may dagdag na balita. Isipin ang posibleng maging consequences ng mga gagawin. Kumalma lang muna. Iwasan na ang sisihan, sa halip kunin ang magandang aral ng mga nangyari. Lucky color: Violet, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magtiwala sa instinct. Gawing realistic ang mga plano para sa future. Pairalin ang disiplina. Ga­mitin ang malakas na energy para gawin ang mga bagay na matagal nang gustong gawin. Lucky color: White, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mabigat ang pakiramdam dahil sa pagod. May isang tao na aalalay sa iyo. Magrelaks muna habang kasama mo siya. At saka na tapusin ang mga gawain kapag nakapagpahinga na. Ayusin ang mga gamit bago umalis ng bahay. Lucky color: Green, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pabago-bago ang emosyon. Itigil na muna ang mga drama. Maging totoo para hindi masabihan ng dob­le-kara. Huwag lokohin ang sarili kung hindi pa okay ang lahat. Lucky color: White, lucky number: 22.