Maricel Soriano

maricel-soriano

Kaarawan: Pebrero 25, 1965

Mga artists ang maraming Pisceans. Marami ang nasa larangan ng pagpipinta, pagsayaw o pag-awit. Dito nila nahahanap ang kanilang passion. Mabilis silang makipag-connect sa mga tao pero mabilis din silang umalis kapag nararamdaman nila na may ibang motibo na sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tapusin na ang maling spekulasyon. Kailangan mo ngayong magising sa reyalidad. Nasa harap mo lang ang taong matagal nang hinihintay. Idilat ang mga mata bago ka pa maagawan ng iba. Lucky color: Violet, lucky number: 54.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –– Makukuha mo ang bagay na matagal nang inaasam. May maririnig na isang malaking hudyat. Ito na ang simula nang bagong pag-asa. Huwag kontrahin ang ibinubuong ng iyong puso. Maging masaya sa tagumpay ng mga kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Hindi masamang maging romantiko pero huwag sobra na nagiging OA ka na. Imulat ang iyong mata at isipin ang lahat ng mga posibilidad. Mahirap na magulat sa isang bagay na hindi mo inisip na mangyayari sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 45.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging mahaba ang araw na ito dahi lsa dami ng mga gagawin. Kahit gaano kaabala ang iyong araw, huwag pagdamutan ng panahon ang iyong mahal sa buhay. Bigyan sila ng time para maka-bonding . Lucky color: Green, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wag sayangin ang free time. Gamitin ito para i-pamper ang sarili. Magpa-parlor o magpa-masahe. Kailangan mo ngayon ang ibayong pahinga para kumalma ang katawan at isip. Lucky color: Violet, lucky number: 51.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May matatanggap na pagkilala o award. Magiging masaya sa maraming atensyon. Araw mo ngayon kaya maraming ganap na magiging memorable para sa iyo.
Lucky color: Black, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Mas lalo makukumbinsi na tama ang desisyon. Suportado ka ng iyogn pamilya kaya walang dapat ipagalala. Maraming hadlang sa daan mo pero malalagpasan ang lahat ng ito dahil sa iyong determinsyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Malulungkot sa sinapit na sitwasyon. Mataas ang emosyon ngayong araw na ito. Mas mabuting manatil isa bahay at magbasa ng libro. Mababawi ang naubos na lakas kung matutulog ng sapa. Lucky color: Red, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod.Bigyan ng chance ang iba na patunaya ang kanilang mga opinion. Bigyan din ng time ang mga kaibigan . Lucky color: Blue, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang lahat ng iyong effort at pagtitiis ay masusuklian ngayon. Iwasan na ang sisihan. Tanggapin ang mga nangyari na hindi na maibabalik. Aminin sa sarili na hindi ka pa handang magmahal uli. Maging masaya kahit na nag-iisa. Lucky color: Gray, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pagbigyan ang isang pakiusap. Gagaang ang iyong puso kung tunay na magpapatawad. Mas makakakuha ng magandang resulta kung mas magiging mapangahas sa hakbangin. Lucky color: Green, lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Walang posible sa isang tao na determindo. Tanggalin ang negative vibes sa paligid. Maglinis ng bahay at alisin ang mga lumang gamit. Hanapin ang pambalanse sa iyong buhay na nasa paligid lang. Lucky color: Pink, lucky number: 9.