Mikee Cojuango
Kaarawan: Pebrero 26, 1974
Misteryosa at senswal ang mga babaeng Pisces. Taglay din nila ang pagiging romantiko at ispiritwal. Malalim ang pinaghuhugutan ng emosyon. Malinaw ang kanilang mga pangarap sa buhay at dito naka-focus ang kanilang atensyon. May mga katangian sila na mahirap maunawaan pero kung kikilalanin silang mabuti, magiging suwerte ang taong mapapalapit sa kanilang puso.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mali ka sa iyong mga hinala. Ipanatag na ang kalooban dahil nasagot na ang mga tanong mo. May mga aberyang wala sa iyong control. Kailangan munang magpatulong sa iba. Lucky color: Orange, lucky number: 14.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming dapat ipaliwanag sa kapartner. Maging totoo lang sa sasabihin at walang dapat ipag-alala. Maniwala sa kasabihan na ‘ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwalhati’. Tapusin na ngayon ang isang importanteng gawain. Lucky color: Brown, lucky number: 7.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Malilito sa maraming kuwento. Kalma muna at iwasang magpatangay sa sobrang emosyon. Mas makakapag-isip ka kung iiwas muna sa anumang distraksyon. Lumayo muna sa magugulong lugar. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sarilinin muna ang mga planong diskarte. Kumain ng marami para hindi manghina. Kailangan mo ngayon ang energy dahil magiging sobrang abala sa araw na ito. Lucky color: Brown, lucky number: 22.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makakatulong ang ilang kaibigan at koneksyon sa dinadalang problema. Huwag nang mahiyang lumapit sa kanila. Habang pinapatagal ang solusyon, mas lalong lumalaki ang isyu. Luky color: Gray, lucky number: 25.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hawak mo na ang lahat ng kailangang impormasyon. Isang malapit na kaibigan ang posibleng makasamaan ng loob. Alamin kung ano ang kanyang motibo. Maaring kailangan mo siyang kausapin nang personal. Lucky color: Red, lucky number: 44.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malulungkot sa isang balita. Tanggapin ito nang maluwag sa kalooban. Hindi mo hawak ang iyong kapalaran. Kung kailangan mo ng gabay, mas mabuting lumapit sa isang matandang kaanak. Maging praktikal sa desisyon. Lucky color: Gold, lucky number: 40.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming magbubukas na oportunidad. Piliin ang swak sa iyong kagustuhan. Mahirap mapasubo sa bagay na hindi ka pa handa. Mag-soul searching muna para matiyak ang direksyon na pupuntahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Masyado kang maraming dalahin sa buhay. Hinay-hinay lang. Huwag pabigatin ang problema na puwede naman ng simpleng solusyon. Lucky color: Green, lucky number: 38.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahirap para sa iyo ang magpokus dahil magulo at maingay ang paligid. Humanap nang lugar na makakapag-isip ka. Pairalin ang tamang sistema. Mahirap malihis dahil sa pakikisama sa mga taong hindi maganda ang impluwensya. Lucky color: White, lucky number: 39.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa career ang pokus mo sa araw na ito. Pero alalahaning kailangan pa ring bigyang ng oras ang pamilya. Magluto ng paboritong ulam at ito ang pagsaluhan. Lucky color: Blue, lucky number: 40.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Labanan ang anumang tukso. Piliin ang gagawing prayoridad. Ipaglaban ang anumang nagpapasaya sa iyo. Mahirap ka mang maunawaan sa ngayon, may isang tao ang magbibigay sa iyo ng suporta na hindi mo inaasahan. Lucky color: Green, lucky number: 11.