Will Devaughn
Kaarawan: Pebrero 27,1982
May pagkamahiyain. Hindi mauuna na magpapakita ng interest sa isang tao kahit na gustong-gusto niya ito. Hanap niya ay isang ideal partner na magpapakilig sa kanya. Hinihintay niya ay isang pag-ibig na mistulang paputok at pailaw na magbibigay sa kanya ng mahika.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi mo kailangang magalit sa isang tao na may ibang paniniwala. Irespeto ito at tanggapin ang inyong pagkakaiba. Pairalin ang malawak na pang-unawa. Lucky color: Red, lucky number: 8.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi kailangang ma-guilty kung may napipilitang gawin. Isipin na ito ay para sa kapakanan ng marami. Mag-ingat sa isang tao na sobra ang inggit sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Pag-isipang mabuti ang isusuot at sasabihin sa isang importateng okasyon. Nakasalalay dito ang impresyon at imahe. Mag-effort para maiwasang pumalpak. Lucky color: Orange, lucky number: 55.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasan ngayon ang matinding komprontasyon. Nasa iyong kamay ang ikakatahimik ng paligid. Kailangan mo lamang gamitan ng diplomasya ang anumang pakikipag-usap. Lucky color: Brown, lucky number: 40.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahirap magrelaks kapag may mga alalahanin. May kailangang isakripisyo sa lovelife. Asahan ang isang bihaye sa malayong lugar. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas paborable ang mapag-isa muna para makapag-isip nang mabuti. Huwag hayaang masayang ang pinagsamahan dahil lang sa pride. Isaalang-alang ang masayang nakaraan. Mahirap mawaglit ang isang bagay na mahalaga para sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 9.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mahirap para sa iyo ngayon ang makipag-socialize. Ipagpaliban na lang muna ang mga lakad. Mas isipin ngayon ang gagawing desisyon sa iyong career. Lucky color: Gold, lucky number: 11.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang mga pinapantasya mo ay malapit nang magkatotoo. Umuwi nang maaga para sa isang sorpresa. Sa aspeto man ito ng romansa o sa iyong career, may hatid na inspirasyon ang maghapong ito. Lucky color: Gray, lucky number: 49.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maging open sa maraming probability. Pakinggan ang maliit na boses na may isang pahiwatig. Naghihintay ang mga positibong pangyayari kaya ‘wag matakot makipagsapalaran. Lucky color: Yellow, lucky number: 13.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang kaibigan ang pag-uugatan ng isang gulo sa araw na ito. Maapektuhan ka pero piliting maging normal ang maghapon. Mamasyal sa paboritong lugar. Lucky color: Blue, lucky number: 39.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magigising na malungkot at walang gana. Dala ito ng sobrang pagod kahapon. Kung walang importanteng gagawin ay manatili na lang sa bahay. Uminom ng mainit at magpahinga. Lucky color: Green, lucky number: 40.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may aberya ngayon ay ‘wag masyadong damdamin. Kahit plantsado na sa isip mo ang mga plano, kailangan i-double check ang isang impormasyon para hindi magkamali. Lucky color: Pink, lucky number: 5.