Ylona Garcia
Kaarawan: Pebrero 28, 2002
Handang ibigay ang lahat para sa taong kanyang minamahal. Kakaibang saya sa puso ang nararamdaman ng mga babaeng Pisces kapag in love. Maririnig sa kanyang halakhak ang labis na galak bukod sa kanyang nagliliwanag na personalidad dahil sa hatid nitong inspirasyon.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gawin ang makakaya alang-alang sa iyong pamilya. Huwag hayaang masira ang diskarte sa kabiguan. Ibigay naman ang iyong oras at atensyon sa taong matagal nang naghihintay sa iyong pagmamahal. Lucky color: Gold, lucky number: 11.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Walang masamang idudulot ang pagsisinungaling. Kung may ideya kang gustong ipaglaban, gawin ito. Importanteng masabi ang saloobin sa araw na ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mataas ang kumpiyansa mo ngayon. Magagamit ito sa trabahong inaaplayan. Gawing inspirasyon ang isang espesyal na kaibigan na laging nakaalalay sa iyo. Huwag gawing kumplikado ang simpleng problema. Lucky color: Gold, lucky number: 2.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makatutulong ang pakikihalubilo sa mga kasama. Aani ng maraming papuri sa mga tao. Ituloy lang ang nasimulang proyekto na magdadala ng maraming pera sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 36.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang magsabi ng totoo kahit na marami ang masasaktan dito. Asahan ang maraming haters pero kalaunan ay lalapit din ang mga ito at magso-sorry sa iyo. Itago ang mahahalagang dokumento na maaaring mawaglit sa isipan sa kalaunan. Lucky color: White, lucky number: 19.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mauuwi sa diskusyon ang mainit na pag-uusap. Iwasang usisain ang mapapait na nakaraan. May mga topic o paksa na hindi maaaring pag-usapan sa harap ng maraming tao. Lucky color: Blue, lucky number: 36.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bago mo paniwalaan nang husto ang taong kaharap mo, kilalanin muna itong mabuti. Hindi ito ang araw para mag-isip. Kailangan mo nang umaksyon. Alam mong kailangan nang tapusin ang isang importanteng misyon. Lucky color: White, lucky number: 10.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi uubra sa iyo ngayon ang maghintay. Kailangan nang kumilos bago maging huli ang lahat. Unahin ang sariling kapakanan dahil marami ang umaasa at nakasalalay sa iyo. Lucky color: Black, lucky number: 19.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iwasan ang padalos-dalos na aksyon. Mag-isip at huwag magpadala sa sulsol. Patunayan na kaya mong mag-decide kahit nag-iisa. Lucky color: Orange, lucky number: 20.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahalaga ang komunikasyon. Huwag pabayaan ang magandang samahan dahil sa maling balita. Pagbutihin sa trabaho dahil ito ang daan para makuha mo ang tinatarget na ambisyon. Huwag sayangin ang magandang oportunidad. Lucky color: Gray, lucky number: 40.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May hinahanap na atensyon sa kasalukuyang relasyon. Kung malayo ang puso, huwag ipilit ang hindi pupuwede. Tanggapin at maging open sa gustong mangyari sa buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 7.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May tension na puwedeng mangyari kung ipipilit mo ang gusto mo. Gayunman, kaya mo itong ayusin at agapan. Mas malaking problema ang kakaharapin kung mananahimik sa isyu. Lucky color: Violet, lucky number: 45.