Horoscope 03/07/2020

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Masyado ka ng na-stress sa trabaho. Subukan mo naman ang mag-relax para pumayapa ang puso mo at isipan. Magpunta sa mga lugar kung saan ka makakaramdam ng ginhawa. Hindi masamang bumiyahe nang walang plano. Lucky co­lor: O­range, lucky number: 48.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mapipi­litan kang makipagkita sa isang tao na ayaw mo na sanang makita. Ito ay dahil may importanteng bagay kang gustong malaman at siya lang ang makapagbibigay sa iyo ng impormas­yon. Mapapanatag ka na sa iyong matutuklasan. Lucky color: Green, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Anuman ang mga problemang nasa harapan mo ngayon ay lilipas din. Matutong luma­ban. May nakatagong lakas ng loob kaya’t malalagpasan mo rin ito. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 20) – Huwag kang magpapadaig sa takot at kaba dahil sa sinasabi ng iba. Gusto nilang makita kung paano mo tatanggapin ang iyong pagbagsak kaya huwag mong ibigay sa kanila ang satisfaction. Suklian ng ngiti ang taong laging nakatingin sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang tao ang magbibigay sa iyo ng suporta at magpapalakas ng loob mo sa lahat ng iyong mga pinagkakaabalahan sa nga­yon. Labis mo itong ikatutuwa at idadalangin na sana ay manatili siya sa tabi mo. Lucky color: Silver, lucky number: 55.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung ina­akala mo na mahal ka pa niya at malulungkot siya sa iyong nalalapit na pakikipag-isang dibdib, nagkakamali ka. Ang totoo ay hindi ka na niya iniisip at naaalala ka lang niya sa tuwing wala siyang pera. Lucky color: Red, lucky number: 28.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung ayaw mong lumaki ang issue sa pagitan ninyong magkaibigan ay kailangan mo itong lina­win sa lalong madaling panahon. Bago ka makinig sa iba ay siya na muna ang pakinggan. Magkakaayos din kayo sa mga darating na araw. Lucky color: Old rose, lucky number: 37.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi mo ikakatuwa ang mga maririnig mo mula sa iyong mga nakatatandang kapatid. Kahit pa ang lahat ng sasabihin nila ay para sa ikakabuti mo. Huwag kang magbingi-bingihan sa mga pangaral nila dahil sila ang tama at may katwiran. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Matanda ka na para patuloy pang ma­ging pasaway. Kaila­ngan mo nang isipin ngayon kung ano ang makakabuti para sa iyong kinabukasan. Iwan na ang drama na lalong nagpapalungkot sa iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 13.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Ang hassle sa trabaho ay hindi mo gaanong iindahin dahil sa mga taong nakapali­gid sa’yo. Magsaya dahil sa bagong inspirasyon. Mabibigyan ng pagkakataon na makabawi sa pagkukulang. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Hindi masama ang humingi ng tulong kung talagang kinakailangan. Pero kung meron ka pa namang magagawa para masolusyunan ang sarili mong problema ay huwag ugaliing umasa sa iba. Makakasanayan mo na lang ito. Lucky color: Black, lucky number: 67.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging abala ka ngayon sa mga gawaing bahay. Gugugulin mo ang buong araw mo sa pag ge­neral cleaning. May ilang bagay kang makikita na magpapaalala sa iyo sa nakaraan.Makakaramdam ng bahagyang kalungkutan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.