Horoscope 03/08/2020

Robert Jaworski

Kaarawan: Marso 8, 1946

Malalim ang pananaw sa buhay kaya’t napagkakamalan na masyadong seryoso. Sa kabila nito ay may tagong kapilyuhan na kinagigiliwan ng marami. Hindi siya lantad sa kanyang emosyon. Madalas na iba ang ipinakikita kaysa sa mga tunay na sinasabi ng kanyang kalooban.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas makabubuting maghintay ng isa o dalawang araw para gumawa ng bagong mga plano. Umiwas muna sa mga aktibidad na makakapagod sa iyo. Mas mababa ngayon ang iyong ener­hiya kumpara sa karaniwan. Lucky color: White, lucky number: 8.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang magandang araw na ito para pag-aralan kung tama ang tinatahak mong direksyon sa buhay. Hindi masamang pag-aralan kung hindi ka nalala­yo sa orihinal mong plano. Mahirap maligaw sa gitna ng daan. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi masamang ikonsidera ang long trip. Matagal mo na itong plano para sa sarili. Magpapalawak ito sa iyong koneksyon. Bantayan din ang iyong kalusugan. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mataas ngayon ang iyong emosyon. Ang isang damdamin na matagal mo nang pinipigil ay posibleng mawala sa iyong kontrol. Habang may ganitong mood, hindi masamang dumistansya muna sa karamihan para hindi sila ang mapagdiskitahan. Lucky color: White, lucky number: 34.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas makulay ngayon ang mundo mo. Ito’y dahil sa taong nanatiling loyal at buo ang suporta sa iyo. Sa kanya ka kumukuha ng inspirasyon at ramdam na ramdam mo ito ngayon. Isa ka sa masuwerteng nilalang sa araw na ito. Lucky color: Orange, lucky number: 27

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makakaagaw ng iyong atensyon ang isang tao na masasabing opposite mo sa lahat ng aspeto. Kahit hindi siya ang ideal person mo, kung may natatangi kang nararamdaman para sa kanya ay walang masama. Mutual ang nararamdamang atraksyon sa isa’t isa. Lucky color: Red, lucky number: 37.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – May tsansa ngayon na gumawa ng matinding marka na matatandaan ng mga tao sa paligid mo. Kailangan mo ang suporta ng nakararami kaya iwasang mapasobra. Wag ibuhos ang lahat ng emosyon sa iisang tao. Lucky color: Blue, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung nahihirapan ka sa isang trabaho, aminin ito. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung wala naman dito ang iyong interes. Madaling makakahanap ng bagong trabaho dahil sa isang kaibigan. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May isyu sa pamilya na kailangan mong harapin. Posibleng may mga masaktan pero bahagi lang ito ng katotohanan. ‘Wag pagtakpan ang isang pagkakamali. Lucky color: Silver, lucky number: 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May excitement na parating at ramdam mo na ito. Magtatagumpay ka sa isinusulong mong ito lalo na kung hahayaan mong tulungan ka ng mga taong tapat sa iyo. Maging balanse sa iyong opinyon. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa araw na ito, wala ka sa mood na humarap sa mga mabibigat na responsibilidad. May epekto pang hatid ang isang masayang­ pagkikita kaya mahirap pang sumabak­ sa reyalidad. Magpakatotoo sa iyong nararamdaman. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May sorpresang hatid ang araw na ito at maaring hindi ka handa para rito. Sa kabila nito, mahihirapan kang pigilin ang takbo ng mga pangyayari. May ibang opsyon na lilitaw para malutas ang isang problema. Lucky color: Gold, lucky number: 38.