Horoscope 03/10/2020

Jojo Lastimosa
Kaarawan: Marso 10, 1964

May kakaibang hilig sa pagsusulat o poetry ang mga Pisces. Kilala sila sa husay sa pagsasalita at pagiging isang makata. Isa ito sa katangiang taglay ng marami sa kanila. Marami siyang tanong sa mundo na nahihirapan siyang hanapan ng sagot.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakakapagod ang araw na ito para sa iyo. Mapapatunayan mong kailangan mo rin ng exercise para may lakas ka sa pagharap sa mga mabibigat na aktibidad. ‘Wag ipagwalang-bahala ang kalusugan. Lucky color: Gray, lucky number: 44.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malakas ang energy level­ mo kaya’t madaling matatapos ang mga trabaho. Gamitin ang araw na ito para makalabas at makapag-unwind kasama ang pamilya at mga kaibigan. Lucky color:­ Green, lucky number: 45.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ngayon ang magandang pagkakataon para harapin ang ilang negatibong isyu at tuluyan itong mabigyan ng closure. Isang imbitasyon ang darating mula sa isang malayong lugar. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo­ 20) – Mas mala­kas ang iyong pakiramdam ngayon pero kailangan ding pag-ingatan na magduda nang walang anumang basehan. Ang hapon hanggang paggabi ay ilaan sa mga mahal sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang bagong aktibidad ang magbibigay sa iyo ng bagong karanasan. Sa una ay kailangan mong maging maingat pero makakasanayan din agad ito at mae-enjoy mo ang mga susunod pang pangyayari. Lucky color: Orange, lucky number: 12.

LEO (Hulyo 23-Agosto­ 22) – Isang kaibigang matagal nang hindi nakikita ang muling makikipagkonek sa iyo. Bigyan siya ng atensyon depende sa iyong nararamdaman. Kung alam mong ikaw ang dehado ay itigil na ang paglapit sa taong ito. Lucky color: Violet, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isama ang iyong partner sa mga plano mo. Kung patuloy siyang mae-etsapuwera ay maaaring pagmulan ito ng isang ma­tinding tampuhan. Gamitin ang araw na ito para sa relaxa­tion ng katawan. Lucky color: White, lucky number: 58.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May malaking isyung nagiging pokus ng iyong isip. Makakatulong kung idi-discuss mo ito sa isang taong pinagtitiwalaan. Kailangan mong alala­yan ang iyong partner sa kanyang problema. Hindi ito nagsasa­lita subalit may mabigat na dinaramdam. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Wala ka sa mood ngayon para sa anumang aktibidad at mas gusto mo lamang magmukmok sa bahay para mapag-isa. Okay lang ito kung sandali lang gagawin, Piliting bumalik ang dating sigla at positibong pananaw. Lucky color: Red, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Pinapaboran sa araw na ito ang anumang romantikong adventure. Maging­ ang isyu sa panana­lapi ay may mga positibong updates. Mag-enjoy lamang sa mga nangyayari dahil deserve mo naman ito. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

CAPRICORN (Disyem­bre 22-Enero 19) – Gawing­ prayoridad ang iyong personal na buhay. Kaila­ngan mo na ring sabihin kung ano ang iyong nararamdaman sa isang taong espesyal sa iyo. Ang gabi ay saktong-sakto sa piling ng minamahal. Lucky color: Black, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nakakapagod kung puro trabaho sa araw na ito, bigyan ng pagkakataon ang iyong sari­li na magrelaks at makipagsaya kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kung mas relaks ang isip, mas madaling makakaisip ng mga ideya sa negosyo. Lucky color: White, lucky number: 49.