Horoscope 03/11/2020

Jose Mari Chan
Kaarawan: Marso 11, 1945

Masipag, malalim mag isip, mahinahong magsalita pero epektibong frontli­ner. Kayang mabuhay kahit sa konting hawak na halaga.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Walang maidudulot na mabuti ang madalas na pakikipagkuwentuhan. Kumilos at suwerte ang pagbubukas ng maliit ng negosyong pagkakakitaan. Lucky color: Violet, lucky number: 7.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maging sweet sa minamahal. Lalayo ang loob at posibleng maagaw ng iba ang pansin ng karelasyon kung laging magbubunganga. Lucky color: Gold, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag basta magtiwala sa ‘di pa mas­yadong kakilala. Perso­nal na buhay man o usa­ping pangpinansyal ay sari­linin lang at ‘wag ikukuwento sa bagong kakilala. Lucky color: Orange, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ayusin ang sariling buhay at ‘wag makisawsaw sa problema ng iba. Iwasan din ang labis na paggasta sa halip ay itabi muna ang hawak na pera. Lucky color:yellow, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May darating na pera na hindi mo dapat basta igagasta. Magpa­salamat at magsimba para maging maayos sa pagpapasya. Lucky color: White, lucky number: 12.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kalimutan na ang mapait na nakaraan. Ayusin ang sarili. Dalawin ang naging malapit na kaibigan at ayain siyang magsimula kayo ng negosyo. Lucky color: Silver, lucky number: 15.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag munang asahang babayaran ka ng taong may utang sa iyo. Gumawa ka ng sariling mapagkakakitaan. Malaki ang maitutulong sa iyo ng minamahal. Lucky color: Gray, lucky number: 18.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Patawarin ang taong nagkasala sa iyo. Iwasan nang humugot baka mauwi pa ito sa pagbagsak ng iyong kalusugan. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Makihalubilo sa iba at ‘wag magmukmok. Ilabas ang natatagong talento. Makakatulong ito para makakilala ng bagong magmamahal sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 31.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ipaglaban ang iyong desisyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay yuyuko ka sa taong mas may posisyon sa iyo. Be yourself. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Panindigan ang iyong posisyon. Iwasang magpata­ngay sa sulsol ng iba. Tiwala lang dahil mas papanigan ka nila. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maging maingat sa pagkukuwento. Kung may kaba sa naunang plano, ‘wag na itong ituloy. Isangguni sa kapamilya ang problema sa karelasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 25.