Horoscope 03/17/19

Rico Blanco

Kaarawan: Marso 17, 1973
Friendly at mga ­lovers of adventure. Mahilig silang mag-travel at magkaroon ng mga kuwento tungkol sa iba’t ibang lugar at mga tao na kanilang nakikilala. Hindi sila nagpapapigil sa gusto nilang gawin. Ayaw nila ng routine kaya hindi sila puwedeng matali sa iisang trabaho.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Nasa gitna ka ng malaking kaganapan sa iyong buhay. Magiging sentro dito ang iyong nakaraan, present at future. Gustuhin mo mang balikan ang iyong past, manatiling focus sa direksyong tinatahak. Lucky color: Red, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Ibaling ang atensyon kung paano magiging matibay ang relasyon. Umiwas muna sa mga taong toxic. May malakas na energy na may hatid na isang mensahe. Magpasaklolo sa pamilya kung pinanghihinaan ng loob. Lucky color: White, lucky ­number: 7.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Aktibo at matalas ang pag-iisip. Malalaman mo agad ang gustong ipahiwatig ng kausap. Harapin ang malaking challenge sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May isang tao na masarap na kakuwentuhan. Pero ingat ka lang sa pagsi-share ng kuwento ng iyong buhay. May mga detalye na dapat ay sari­linin na lamang. Mahirap nang ma­ging topic ng tsismisan. Lucky color: White, lucky number: 48.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Lahat ng tao ay nagkakamali. Isang tao na dating may nagawang pagkakamali sa iyo ang makakasalubong. Nasa iyo kung babatiin ito o iisnabin. Mas mabuting bigyan ito ng chance na masabi ang kanyang gustong sabihin para matapos na ang gusot. Lucky color: Gold, lucky number: 39.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Lalabas ang talento sa gitna ng pressure sa trabaho. Kusang dara­ting ang isang tao na matagal nang hinahanap. Paligiran ang sarili ng mga tao na nagbibigay ng inspirasyon sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kila­lanin munang mabuti ang mga taong lumalapit. Huwag ipilit ang relasyon na hindi nauukol. Kundi man, kausapin nang masinsinan ang ka-partner dahil baka sakaling mabago ang feelings niyo sa isa’t isa. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magkakaroon ng magandang impresyon sa lugar na pupuntahan. Sabihin ang laman ng isipan. Huwag magpaapekto sa mga taong gusto ka lang guluhin. Lucky color: Blue, lucky number: 17.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ingatan ang iyong sarili. Isang kaibigan ang may biglaang request. Mas mabuting tanggihan muna ito at ituloy na lang ang naka-set na lakarin. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Patuloy na makipag-communicate sa mga kaibigan. Duma­ting sa takdang oras ng usapan. Huwag kalimutan ang pangako na babayaran ang isang pagkakautang. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging makulay ang araw na ito. Mapagbibigyan ka sa isang request o kahilingan. Huwag ­pilitin ang katawan kung hindi kayang buma­ngon. Lucky color: Blue, lucky ­number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi lahat ng ilusyon ay mali. Minsan simula ito nang mga bagay na magaganap. Magtiwala sa kakayahan. Asahan ang happy ending sa kuwentong sinusubaybayan. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.