ARIES (March 21-April 19) – Kailangan mong maging organisado para maiwasan ang paulit-ulit na aksyon at mga pagkakamali. Kung mapapagplanuhan ang lahat, maaga mong makikita kung ano ang kulang at kung saan dapat dagdagan ang effort nang walang nasasayang na oras. Lucky number for today: 8

TAURUS (April 20-May 20) – Maraming­ oportunidad na may kinalaman sa isang business transaction o kaya ay pagbili ng isang mahalagang bagay. Hindi masamang kunin ang opinyon ng mga taong pinagtitiwalaan mo bago ka makumbinsing maglabas ng malaking pera. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Mas mala­kas ang self-control mo ngayon kaysa karaniwan lalo na pagdating sa isyu ng pananalapi. Hindi naman pagdadamot ang tawag kung uunahin mo muna ang sarili mo bago ang pangangailangan ng mga taong matagal nang nagiging palaasa. Lucky number for today: 10

CANCER (June 21-July 22) – Maaaring­ maging sentro ng araw na ito ang karma. Kung ano ang itinanim mo ay aanihin na. May mga isyu sa nagdaan na kailangan na ring isara nang tuluyan. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – Mas madaling mapikon ang mga tao sa paligid mo ngayon.­ Iwasan ang mga bigla­ang pagbibiro lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti. Maaring may masirang relasyon dahil lamang sa isang biro. Lucky number for today: 54

VIRGO (August 23- September 22) – Sa mga isyung may kinalaman ang gadget, marami ka pang dapat alamin. Huwag mahiyang magpaalalay kung kulang ang iyong kaalaman. Hindi dapat ikahiya ang pagtatanong. Lucky number for today: 13

LIBRA (September 23-October 22) – Ang pagdedesisyon na kailangang gawin ay hindi magiging mahirap lalo na kung hindi mo naman kailangang lumayo sa iyong comfort zone. Pa­natilihin lamang na bukas ang isip sa suhestiyon ng mga taong iyong pinagtitiwalaan. Lucky number for today: 57

SCORPIO (October 23-November 21) – Gawin ang tama ayon sa idinidikta ng iyong puso at konsensya. Mas makukuha mo rin ang respeto ng karamihan. Ang hinihintay mong reward o pagkilala ay hindi na nalalayo. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaring maging sentro ng araw na ito ay isyu tungkol sa isang kapamilya. Hindi masamang tumulong ngunit hindi rin naman masamang magsabi kung talagang hindi mo na kaya. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magkakaroon ng isyu ngayon sa mga kasamahan sa bahay. Isang kapamilya ang nanga­ngailangan ng iyong gabay at atensyon. Kung patuloy siyang deded­mahin lalo lamang lalaki ang isyu. ‘Wag hintaying mawala ito sa iyong kontrol. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mahirap magpakita ngayon ng nakangiting mukha lalo na kung umaabot na sa limitasyon ang iyong pasensya. Maaring­ may kinalaman ito sa isang taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Makabubuting dumistansya muna. Lucky number for today: 33

PISCES (February­ 19-March 20) – Mala­ki ang maitutulong ng mga kaibigan sa alanganing sitwasyon na pinagdaraanan mo. Malulusutan pa rin ito pero piliting­ matandaan ang maiiwanang leksyon. Magpakatatag. Lucky number for today: 2