Horoscope 03/17/2020

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas buo ngayon ang loob mo na gumawa ng malalaking pagbabago para makamit ang iyong personal goals. Sa love life, hindi laging romansa ang pokus ng araw. Dagdagan pa ang pang-unawa sa iyong partner. Lucky color: Gold, lucky number: 56.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kalimutan na muna ang mga sentimentalidad. Piliing maging praktikal pagdating sa aspeto ng iyong love life. Kakailanganin mong magbaba ng isang desisyon na magpapabago ng iyong kapaligiran. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung wala ka pang commitment sa pag-ibig, may magandang oportunidad sa araw na ito. Isang indibidwal na mahilig sa sports ang ilalapit sa iyo. Sa mga may partner na, mag-isip ng bagong diskarte para muling maging mainit ang romansa. Lucky color: Red, lucky number: 12.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung ibinibigay mo nang lahat sa iyong partner, maaaring makaramdam siya ng pagiging useless sa inyong relasyon. Makabubuting itrato siyang kapantay mo at bigyan ng pagkakataong kumilos ayon sa kanyang kagustuhan. ‘Wag ipilit ang imposibleng mangyari. Luck color: White, lucky number: 34.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May pagdedesisyon na kailangang gawin sa aspeto ng iyong love life at maging sa pamilya. Maaaring magbukas ito sa isang bagong pag-ibig. Ipagpaliban ang malayong biyahe. Lucky color: Violet, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May pagkakasalungat ng ideya pagdating sa pamilya. Posibleng may kinalaman ito sa isang bagong bahay o bagong pagkakakitaan. Sa ilang pagpaplano, kailangang lawakan ang pang-unawa. ‘Wag pairalin ang pagiging isip-bata. Lucky color: Brown, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas malayo ang mararating mo dahil sa iyong ambisyon. Kailangan mo itong maipaunawa sa iyong partner sa buhay bago pa man pag-umpisahan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May bagong plano para sa iyong career. Posibleng mabigla ka pero kakayanin mo ang bagong hamon. Isang project ang magbibigay sa iyo ng magandang chance sa isang promosyon. Lucky color: White, lucky number: 56.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang isang dating pinapangarap mo lamang sa iyong love life ay ilalapit sa iyo sa araw na ito. Huwag munang kontrahin ang takbo ng mga pangyayari at maghanda sa mga sorpresang ihahatid nito. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas lumulutang pa rin sa iyo ang ambisyon. May mga exciting na pagbibiyaheng puwedeng magkaroon ng katuparan. Sa aspeto ng romansa, ikaw ang magdadala para ilagay sa tamang mood ang relasyon. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mong maging mas organisado. Isang bagong personalidad ang nagmamasid sa mga ginagawa mo. May pagbabagong puwedeng maganap sa aspeto ng iyong love life at positibo ang kaganapang ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Paborable ang araw na ito para makipagkonek sa mga taong napalayo sa iyo. Hindi masamang maunang magsabi ng sorry. May parating ring magandang oportunidad para sa aspeto ng pananalapi. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.