ALJUR ABRENICA

Kaarawan: Marso 24, 1990
May angking lakas at talino. Madiskarte sa buhay. Alam ang bawat detalye ng kanyang ginagawa. Siya ang tipo ng tao na hindi hihingin ang opinyon ng iba para lang makabuo ng isang desisyon. Handang tumulong.
ARIES (Marso 21-Abril 19)-Malabong mangyari ang inaasahan mo. Una sa lahat ay hindi sasang-ayon sa’yo ang mga tao sa paligid mo. Pangalawa ay hindi pa sapat ang iyong kakayahan at nalalaman para subukan ang bagay na ito na inaakala mong madali. Lucky color: Gray, lucky number: 1
TAURUS (Abril 20-Mayo 20)-Ang binabalak mong pagbabakasyon ay magkakaroon ng katuparan ngayon. Hindi nga lang kasinghaba ng araw na inaasahan mo pero magiging sulit naman ito dahil gusto mo ang mga taong makakasama mo at maaaliw ka sa kanila. Lucky color: White, lucky number: 14
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20)-Mabubulilyaso ang tangka mong pagsorpresa sa isang mahal sa buhay sa nalalapit nitong kaarawan dahil sa kadaldalan ng isa mo ring kamag-anak. Pero sa halip na mainis ay ipagkikibit balikat mo na lamang ito. Lucky color: Red, lucky number 25.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)-Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Pero sa halip na magmukmok ay dapat kang umisip ng paraan kung paano mababago ang ihip ng hangin. Maabilidad kang tao kaya mamaniin mo lang anumang kamalasan ang magdaan sa’yo. Lucky color: Black, lucky number: 67.
LEO (Huyo 23-Agosto 22)-May pagbabagong magaganap sa pagitan mo at ng iyong mga kaibigan. Ito ay dahil lamang sa isang tao na makikialam sa inyong samahan. Kailangan mo siyang harapin sa halip na iwasan upang magkaliwanagan. Lucky color: Peach, lucky number: 15.
VIRGO (Agosto 23- Setyembre 22)- Ang pagnanais mo na mabago ang iyong buhay ang siyang magtutulak sa’yo patungo sa iyong pangarap. Pero habang papalapit ka rito ay saka mo naman mare-realize na sa ngayon ay may mas mahalaga pa kaysa pagtupad nito. Lucky color: Yellow green, lucky number: 29.
LIBRA (Setyembre 23- Oktubre 22)-May bago kang makikilala na magpapangiti sa’yo. Siya ang tao na makapagbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon. Maraming kang maririnig na komento sa paligid, may positibo at meron ding negatibo pero hindi mo ito bibigyan ng pansin. Lucky color: Blue, lucky number: 4.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21)-Magiging abala ka ngayon sa negosyong ipinagkatiwala sa’yo. Aariin mo ito na parang sarili mo kaya naman maganda ang kalalabasan ng pag-handle mo dito. Ikatutuwa ito ng may-ari at maganda rin ang balik nito sa’yo. Lucky color: Green, lucky number: Violet.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)-Masakit marinig mula sa bibig ng iyong mahal na hindi siya naging tapat sa’yo. Pero hindi mo gusto na mauwi sa wala ang pinagsamahan nyo kaya pikit-mata mo siyang bibigyan ng pangalawang pagkakataon. Lucky color: Pink, lucky number: 30.
CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)-Daig ng maagap ang taong masipag. Iyan ang mapapatunayan mo ngayon dahil maaagapan mo ang isang mahalagang bagay na may kinalaman sa iyong trabaho. Mauungusan mo ang mga masisipag lang pero kulang sa diskarte. Lucky color: Orange, lucky number: 33.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)- Matatapos mo nang maayos ang lahat ng gawaing bahay kaya naman matutuwa ang mga kasama mo dito. Mula ngayon ay aasahan na nila ang kasipagan mo at kapuliduhan ng iyong mga gawa. Hindi mo alam kung ikakatuwa mo pa ito. Lucky color: Orange, lucky number: 46.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20)-Sa kabila ng mga ebidensya ay hindi ka pa rin aamin sa iyong nagawa. Hindi naman sa wala ka talagang balak aminin kundi gusto mo lang maiwasan na lumala ang sitwasyon kaya mananahimik ka na lang muna. Lucky color: Green, lucky number: 16.