Ryan Agoncillo

Kaarawan: Abril 10, 1979

May katigasan ang ulo at medyo palaban. Para sa kanya, laging tama ang kanyang mga opinyon. Gayunman, madali lamang silang paliwanagan. Sila ang mga taong sinusuwerte dahil sa kanilang malakas na kumpiyansa sa sarili. Aggressive at may malakas na paniniwala na kaya nilang gawin ang anumang bagay na kanilang gustuhin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang sikretong atraksyon ang mapapatunayan mong mutual pala. Magiging makulay ang buong araw dahil sa sobrang saya ng iyong puso. Bigyan ng payo ang kaibigan na naliligaw ng landas. Ikaw na lang ang tanging pag-asa nito. Lucky color: Red, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Walang mawawala kung magbabago ng iyong desisyon. Hindi sa lahat ng oras ay tama ang iyong katwiran. Matutong makibagay sa mga taong minamahal. Minsan kaila­ngang magpakumbaba para sa katahimikan ng isipan. Lucky color: Brown, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magkakaroon ng kasagutan ang maraming tanong sa buhay. Huwag magmadali dahil makakamit mo rin ang inaasam na tagumpay. Pag-isipang mabuti ang isang alok na mahirap tanggihan. Lucky color: Red, lucky number: 54.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Prayoridad mo ngayon ang iyong career. Walang masama kung ipipilit ang opinyon. Kung alam mong tama ang desisyon, ito ay iyong pangatawanan. Bahagyang manlalamig ang iyong lovelife pero sandali lang ito. Makabubuting ibalanse ang mga ginagawa mo upang hindi mapabayaan ang isang taong nagmamahal. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pag-aralang mabuti ang iyong mga plano. Ang mga ideya at opinyon ay maaaring maging daan para mapabilis ang ipinupursige mo. Isang taong may ‘R’ sa pangalan ang magiging gabay mo. Lucky color: Brown, lucky number: 15.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ikaw ang lalapitan ngayon ng suwerte. Isantabi muna ang mga mababaw na problema. Hindi ito ang tamang oras para masira ang magandang simula. Maging mapili sa pagkain para hindi sumakit ang tiyan. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May bagong romansa sa iyong direksyon. Isang kaanak ang maaaring maging daan para maging mas makulay ang iyong lovelife. Hindi masamang ipakita ang iyong appreciation sa mga ginagawa niya. Maging sweet sa taong minamahal. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming humahanga sa iyong positibong awra. Huwag kontrahin ang taong lumalapit. Kung meron ka ring nararamdaman para sa kanya, hindi masamang ikonsidera ang isang simpleng imbitasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa mood ka ngayon para makipagdiskusyon. Ito ang tanging paraan mo para mailabas ang iyong saloobin. Walang masama basta’t hindi ito hahantong sa away. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maraming magiging bagong kaibigan. Anumang maumpisahan ngayon ay magtatagal. Magiging masuwerte sa bagong negosyo. Bigyan ng oras ang ang mga romantikong pangyayari ngayon at sa mga susunod na araw. Lucky color: White, lucky number: 41.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahirap kontrahin ang malakas na determinasyon. Mas seseryosohin ka kung magiging banayad sa pagsasalita. Isang misteryo ang magkakaroon ng linaw. Lucky color: Gray, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pera at career ang magiging pokus sa araw na ito. Mag-ingat pa rin sa paggastos at sa anumang transaksyong may kinalaman sa pera. Isang indibidwal ang magpapakita ng mas malalim na atraksyon sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 30.