SEN. PANFILO ‘PING’ LACSON
Birthday: June 1, 1948

Kapag in love ang lalaking Gemini, mahirap masabi kung hanggang kailan ito magtatagal. Kailangan nila ng excitement, ng bago para ma-sustain ang kanilang pantasya. Malimit din nilang itanong sa sarili kung lilipas o panandalian lang ba ang saya na nararamdaman nila. Ayaw nila ng pinapangunahan tungkol sa future. Gentleman at may sense of humor ‘pag kasama kaya naman lapitin sila ng mga babae.

ARIES (March 21-April 19) – Walang kapaguran at parang hindi nauubusan ng energy. Madali kang matukso dahil matagal ka nang may hinahanap. Abangan ang magandang kapalaran sa araw na ito. Lucky color: Black, lucky number: 44.

TAURUS (April 20-May 20) – Parang ayaw mo nang bumangon pagkagising sa umaga. May hinahanap na kakaibang init. Sumama sa mga taong may katulad na opinyon sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

GEMINI (May 21-June 20) – May mahabang biyahe. Para kang ibon na gusto mong lumipad nang mataas at malayo. Huwag bumitaw sa isang kasama na matagal nang nakasuporta sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.

CANCER (June 21-July 22) – Manunumbalik na ang dating lakas at sigla. Mas gusto mong magtigil sa bahay. Magliliwanag ang isip sa maraming bagay. Maging consistent sa mga sinasabi. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

LEO (July 23-August 22) – Alam mo na ang direksyon na gusto mong tahakin. Maraming matutuwa sa masayahing personalidad. Malilito ang mga kasama sa paligoy-ligoy na sagot sa mga tanong. Lalabas din ang katotohanan. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-September 22) – Mag-relax. Mas mabilis ang paggaling kung may inner peace. Huwag magpokus sa materyal na bagay. Mas pahalagahan ang emosyon. Lucky color: White, lucky number: 18.

LIBRA (September 23-October 22) – Mahirap hanapin ang tunay na sagot. Huwag pilitin ang hindi puwede. Sikaping unawain ang paiba-ibang perspective ng buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SCORPIO (October 23-November 21) – Lalapitan sa payo at suporta. Mae-engganyo sa topic tungkol sa spirituality. Biglang may maaalala na magpapakilig sa iyo sa buong araw. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Doblehin ang pag-iingat. Tiyaking magsuot ng helmet kapag sasakay ng bike o motor. May malakas na pakiramdaman na kailangang isaalang-alang. Lucky color: Red, lucky number: 8.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Aminin na ang nararamdaman sa isang tao. Kahit alam mo ang totoo, mas mabuting manahimik na lang kung gusto mo na hindi magulo ang pagsasama. Lucky color: Silver, lucky number: 27.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Araling mabuti ang susunod na hakbang. Bigyan pa ng mahabang oras ang sarili para pag-isipan ang gagawin. Kailangang maunahan ang masamang plano ng kaaway. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

PISCES (February 19-March 20) – Lumabas at makihalubilo. Maraming masasagap na kuwento. Huwag basta maniwala kung walang pruweba. May nagpapapansin na taong naglalambing. Lucky color: Blue, lucky number: 11.