Horoscope 10/01/2019

Brie Larson
Kaarawan: Oktubre 1, 1989

Mahusay magsalita at kaya niyang himukin ang lahat sa kanyang mga sinasabi. Masarap kasama dahil sa malakas na sense of humor kaya marami ang gustong makipagkaibigan sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Bago ka mag-alok ng tulong sa isang kaibigan o kapamilya, tiyakin munang mayroon kang maiaabot. Matatantiya mo naman kung bukas pa o sarado na ang kanyang opsyon para sa anumang ideya mo. Mahirap mapasubo. Lucky color: Red, lucky number: 7.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang isang itinuturing mong kabi­guan ang magiging simula ng bago mo kapalaran. Hindi lahat ng tao ay ka­tulad mo na may mataas na standard. Iwasang magmukhang mapang­husga. Lucky color: Green, lucky number: 25.
GEMINI (Mayo 21-Hun­yo 20) – Tama ang iyong naging desisyon. Kaila­ngan mo lamang maghintay ng resulta para mapatunayan ito. Kung naibuhos mo na ang lahat ng effort, puwede ka nang magrelaks. Lucky color: Brown, lucky number: 4.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Marami ang hindi makikiayon sa iyo ngayon pero hindi ka makakaramdam ng insecurities. Maaabot mo ang tagumpay sa sistemang pinaniniwalaan mo, walang puwang ang pagdududa ng iba. Tuloy ka lang sa napiling direksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mabibigyan ka ngayon ng oportunidad na ma-improve ang sitwasyon mo sa mga susunod na araw. Matatapos na ang lahat ng mga alalahanin. Ipakita sa mga taong hindi ka madaling sumuko. Lucky color: Red, lucky number: 21.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Madali lamang para sa iyo ngayon na gawing reyalidad ang bawat ideyang pumapasok sa isip mo. Sa aspeto ng relasyon, kaila­ngang dagdagan pa ang effort. Iparamdam ang pagmamahal. Lucky color: Violet, lucky number: 22.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malaki ang potensyal ng araw na ito pagdating sa aspeto ng pananalapi. May mga oportunidad na biglaang mabubuksan. Manatiling alerto sa mga mapagsamantala. Hindi pa ito ang araw para magrelaks. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Minsan dumarating ang pagkakataong kaila­ngan mong sundin ang gusto mo kahit hindi pabor ang iba. Lakasan ang loob dahil ito ang magandang tsansa para sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ibang tao ang nasusunod. Lucky color: Orange, lucky number: 8.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ang kailangan mo ngayong makasama ay ang mga taong nakakatulad mo ng interes. Sila ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon para mai-push pa ang lahat ng puwedeng gawin. Doon ka lumugar kung saan ka masaya. Lucky color: Silver, lucky number: 44.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – ‘Wag munang umasa sa imahinasyon lang. Doon ka muna sa tried and tested na sistema. Sa isang importanteng gawain, walang puwang ang trial and error. Lucky color: White, lucky number: 5.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sarilinin muna ang iyong mga opinyon at kung anuman ang mga alalahaning nakakagulo sa isip mo. Mas makakagulo lamang kung hahayaang pumasok sa isyu. Lumayo muna kung ito ang tanging solusyon para makapag-isip. Lucky color: Gray, lucky number: 47.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May mabubuksang oportu­nidad ngayon para ma-improve mo ang iyong career at pinansyal na sitwasyon. Kung dati’y naghihintay ka ng pagkilala, makukuha mo na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 3.