Horoscope 10/18/2018

Horoscope

Zac Efron

Kaarawan: Oktubre 18, 1987

Masarap magsalita, subalit sa likod nito ay nakatago ang tunay nilang motibo. Minsan ay mahirap basahin ang kanilang pagkatao dahil madalas na iba ang sinasabi nila sa kanilang ginagawa. Gayunman, isa sa maipagmamalaking katangian ng mga Libra ay ang pagiging parehas. Ayaw nila nang nanlalamang at nilalamangan.

ARIES (March 21-April 19) – May malakas na pressure pero hindi ito dapat na ma­ging rason para mawala sa focus. Asahan sa araw na ito ang benepisyo ng mga ginawang sakri­pisyo. Magiging malinaw ngayon ang direk­syon gustong tahakin. Lucky color: Yellow, lucky number: 21.

TAURUS (April 20-May 20) – May bahagi ng nakaraan na gumugulo sa isipan. Itigil muna ang ginagawa at mag-isip. Mag-enjoy sa magagandang pangyayari sa lovelife. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

GEMINI (May 21-June20) – Mauubusan ng pasensya dahil sa isang pasaway na kasamahan. Sa gitna nito, isang special someone ang lalapit at dadamay. Buksan ang mga mata sa nangyayaring maganda sa paligid. Magpasalamat sa maraming blessing. Lucky color: Gold, lucky number: 10.

CANCER (June 21-July 22) – Tumulong sa taong lumalapit at nangangailangan. Huwag idaan sa galit ang mga kabiguan. Umisip nang ibang paraang para makabawi sa pagkukulang. Mas mabuting manahimik muna at magmuni-muni. Lucky color: White, lucky number:55.

LEO (July 23-August 22) – Hindi lahat ng gusto ay makukuha sa isang iglap. Bubuhos ang suporta sa iyo. Magugulat sa isang tao na hindi ina­asahang lalapit. Lapitan ito at perso­nal na pasalamatan. Lucky color: Silver, lucky number: 13.

VIRGO (August 23-September 22) – May kailangang isakripisyo para matupad ang inaasam na project. Magiging isyu ang loyalty ng isang kaibigan. Alamin muna ang katotohanan bago mag-react. Ituring na isang pana­ginip ang mga nangyari para makapagsimula muli. Lucky color: Green, lucky number: 19.

LIBRA (September 23-October 22) – Isang desisyon ang magiging daan para sa bagong direksyon. Malayo ang mararating kung magiging matiyaga sa buhay. Pahalagahan ang isang tao na tunay na nagmamahal sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag nang balikan ang mga tinalikuran. Oras na para ipakita na ser­yoso ka sa mga gagawin. Kung hindi pa kayang mag-isa, mas mabu­ting magpasama sa isang kaibigan. Kalaunan ay makakaya mo rin ang lahat ng mga pagsubok. Lucky color: Brown, lucky number: 28.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaaring ang isang da­ting kasamahan ang magbibigay ng malaking problema sa iyo. Ihanda ang sarili sa matagal na baliktaktakan. Kailangan mo ng mara­ming lakas ng loob para malagpasan ang malaking pagsubok na ito. Lucky color: Black, lucky number: 33.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas malaki ang tiwala mo ngayon sa iyong sarili kaya naman lahat ng pagsubok ang makakaya mong hara­pin. Lumayo sa mga taong negatibo. Mas mabuting sumama sa mga grupo na aakay sa iyo sa pagiging isang produktibo. Lucky color: Pink, lucky number: 19,

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag hintaying mawala ang minamahal dahil sa kawalan ng oras. ­Unahin ang pamilya. Maraming paraan para iparamdam ang iyong pagmamahal, gawin ito nang walang pa­subali sa sarili. Nasa iyo na ang su­werte kaya’t huwag na itong pakawalan. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

PISCES (February 19-March 20) – Walang dapat ikatakot sa nangyaya­ring pagbabago sa paligid. Hindi mo dapat isipin na hindi mo deserve ang mga nangyayari. Mapapatunayan mong nasa tama kang direksyon. Maging confident sa pagharap sa mga tao. Lucky color: Blue, lucky number: 17.