Kim Kardasian
Kaarawan:
Oktubre 21, 1980
May reputasyon ang mga babaeng Libra sa pagkahilig sa mga wild at playful adventure. Hindi sila ang pang-coventional o pangkariniwang trip sa buhay.
Kumbaga sa carnival, mas gusto nilang sumakay sa mga nakakatakot na rides gaya ng roller coaster at wipeout. Malalakas ang kanilang loob at puno ng self-confidence.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang taong dating kabatian mo lamang ang makakabangga. Marami kang makikitang kontra sa interes. Posibleng mabuo ang isang romansa kung naghahanap ka pa lamang ng mamahalin. Lucky color: Green, lucky number: 1.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapopokus ka ngayon sa mga dokumentong kailangang tapusin. Magbubukas ito sa iyo ng mga bagong oportunidad na magagamit mo sa iyong career. Magsuot ng makukulay na damit. Lucky color: Red, lucky number: 56.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang taong nasa malayo ang may malaking impluwensya sa iyong pagdedesisyon. Iwasan lamang na bigyan ng kulay ang kanyang kabaitan at huwag ilihis sa romansa ang magandang pagkakaibigan. Lucky color: Silver, lucky number: 7.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makakatulong sa iyo ngayon ang pakikisalamuha sa mga grupong may makabuluhang adbokasiya. Magiging daan din ito para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Magiging simula rin ito ng bagong business venture na hindi mo inaasahan. Lucky color: Blue, lucky number:55.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang isyung ligal ang magiging pokus ng araw na ito. Maaaring may kinalaman ito sa aspeto ng pananalapi. Asikasuhin agad ito upang ganap na maisara ang isyu at hindi na maungkat pa muli. Lucky color: Violet, lucky number: 7.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang pagkakaibigan ang maaaring mauwi sa romansa lalo na kung nagtutugma ang inyong mga ispiritwal na pananaw. Iwasan lamang na masyadong itaas sa pedestal ang taong ito. Hayaang lumipas ang araw nang walang tension. Lucky color: Gold, lucky number: 14.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malakas ang instinct mo sa negosyo at mga bagay na magbibigay ng dagdag pagkakakitaan. Gamitin ito para maisulong ang iyong pinansyal na interes. Sa negosyo ka magkakaroon ng suwerte. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang okasyon ang magiging daan para mapalapit ka sa mga taong may kakaibang interes. Bigyan ng pagkakataon ang taong ito para mapalawak ang iyong pananaw. ‘Wag maging pihikan, subukan ang anumang inaalok na trabaho. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magaan ang takbo ng iyong love life at para mapanatili ito, iwasan ang mga suspetsang lumalason sa magandang samahan. Panatilihin ang tiwala at magiging mas matatag ang relasyon. Lucky color: White, lucky number: 7.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Anumang tampuhan sa kapamilya ay maaayos na. Ngayong kumalma na ang mga emosyon, mas mauunawaan na ang posisyon ng bawat isa. Maging mapanuri sa mga gamit na bibilhin. Lucky color: Orange, lucky number: 19.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Matindi ang kagustuhan mong makita ang isang taong matagal mo nang nakahiwalay. Hindi masamang pagbigyan ang nararamdaman lalo na kung may paraan naman para maunang kumontak. Lucky color: Orange, lucky number: 33.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi man sabihin, ramdam mo kung ano ang pinagdaraanan ng isang taong malapit sa iyo. ‘Wag nang hintaying magsabi pa siya. Damayan na agad ito at tulungan. Malaki ang magiging utang na loob sa iyo ng isang kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 15.