Horoscope 10/22/2019

Matt Evans
Kaarawan:
Oktubre 22, 1986

Masayang kausap dahil puno sila ng wisdom at mga aral sa buhay. Walang malungkot na araw kapag sila ang kasama dahil sa marami nilang kuwento . Bagay sa kanila na maging abogado dahil sa bilis nilang mag-isip at malalalim na katwiran.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May dalawa kang mabigat na isyung kinakaharap. Siguraduhin lamang na ang sinasabi ng bibig mo ay siya mong sinusunod. May pagkakataong may makakalimutan sa pagkataranta. Iwasang magmadali. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May mga mahihirap na desisyong kailangang pagdaanan kaya samantalahin ang araw na ito para makapag-isip nang husto. Kung sapat ang iyong kumpiyansa sa sarili, walang rason para matakot na harapin ang mga problema. Lucky color: Yellow, lucky number: 25

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hanapin mo muna ang gitna. Kailangan mo nang bumalanse sa isang sitwasyon. Kung imumulat mo lamang nang husto ang iyong mata makikita mo kung saan ang tama mong kalagyan. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa ganitong pagkakataon, higit pa ring makabubuti kung dalawa kayong nag-iisip kaya mag-isa mong binabalikat ang responsibilidad. Alalahaning hindi na uso ang martir. Pag-isipang mabuti ang gagawin. Lucky color: Black, lucky number: 55.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Minsan ay sarili natin ang una nating kalaban at unang nagpapahirap sa atin. Tiyakin munang hindi mo ito ginagawa. Marami nang stress sa paligid, hindi na kailangang dagdagan pa ito. Pakinggan lang ang mga opinyon. Hindi mo kailangang sundin ito lahat. Lucky color: Green, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Makakalimutan mo rin ang mga nangyari. Resolbahin ang isyu, once and for all para sa iyong katahimikan. Sapat na ang pagpapahirap mo sa iyong isip. Mag-move on ka na. Lucky color: Maroon, lucky number: 29.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag nang pagsuspetsahan ang tulong na iniaalok sa iyo sa ngayon. Wala ka ng choice kundi tanggapin ito. Sa ngayon, isipin mo na lang na kung paano ka makakaahon sa problema mo. Lucky color: Gray, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga planong madidiskaril lalo na kung hindi pinaghandaan. Importante pa rin na mapanati­ling mataas ang respeto sa loob ng relasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas ma­raramdaman mo ngayon na ganado ka sa trabaho. Isang tao ang nagpapakilig at nagbibigay ng kulay sa buhay mo. Mas magiging masaya ang paligid sa mga susunod na araw. Lucky color: Pink, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May pagkakataong puro negatibo lamang ang nakikita mo at dito ka nakapokus. Bakit hindi subukang tumingin sa ibang direksyon. Alalahaning kung talagang gusto, maraming paraan. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahirap ngayong basahin ang ikinikilos ng iyong partner. Kailangan mo munang makipag-heart to heart talk sa kanya. Bago ka manghusga ay mabuting bumuo ng desisyon para makapagsimula na nang gagawin. Lucky color: Brown, lucky number: 48.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang tawag lang ay puwede nang mabura ang lahat ng hinanakit. Gawin ito kung nararamdaman mong malaki na ang pagkukulang mo sa isang taong malapit sa puso mo. Walang dahilan para malungkot. Lucky color: Silver, lucky number: 33.