Horoscope 10/23/2019

Ryan Reynolds
Kaarawan:
Oktubre 23, 1976

Todo kung magmahal ang mga lalaking Scorpio. Bagama’t marami sa kanila ay may pagka-weird, hindi sila mahirap unawain dahil sa malumanay nilang personalidad. Makarisma at sadyang nilalapitan ng marami dahil sa malakas na personalidad.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa gitna ng mga kaabalahan, maaring hindi na marinig ang iyong boses . Magparaya na lang muna at manahimik. Walang ibang dapat na sisihin sa mga nangyari. Hatol ito ng iyong tadhana na walang sinumang makakaharang. Irespeto ang mga kaganapan. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Malaki ang magiging impluwensya mo para mabago ang buhay ng isang taong malapit sa iyo. Nasa tamang komunikasyon ang susi ng tagumpay. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 33.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Hindi lahat ng magagan­dang pangako ay katotohanan. ‘Wag basta maniwala dahil mahirap ang umasa. Hindi mo gugustuhing mapasubo. Lucky color: White, lucky number: 55.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Itodo na ang effort sa anumang ipinupursige mo. Sa umpisa lamang mahirap pero sa mga susunod na araw ay puwede ka nang magrelaks. ‘Wag bibitiw dahil nasa tamang direksyon ka. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi paborableng ipilit mo ang mga ideya at opinyon mo ngayong araw na ito. Magrelaks at piliing maging observer muna. Makikita mo kung kailan ka nararapat umaksyon. Lucky color: White, lucky number: 50.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag mong payagan ang ilang tao na tapakan ka. Umalma at ilaban ang tamang katwiran. Ang iyong pananahimik ay itinuturing niyang kahinaan kaya ka niya inaapi. Lucky color: Gray, lucky number: 29.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maging mas organisado kung nakapahi­nga ang katawan at isipan. Maging mapanuri sa maliliit na detalye. Dito nagmumula ang mga malalaking aberya. Rebisahin ang mga nagawa na para makita mo kung saan ka nagkamali. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mahahanap mo ang sagot sa maraming palaisipan. Seryosohin ang problema ng isang kasambahay dahil baka may masama siyang binabalak na gawin. Magmatyag at magbantay. Lucky color: Violet, lucky number: 31.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maari kang maipit sa isang sitwasyon dahil ayaw mong magdesisyon. Habang nagdadalawang-isip ka, maglakad-lakad muna. Ikonsidera ang kapakanan ng pamil­ya higit sa anumang bagay. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Importante ngayong araw na ito ang komunikasyon. Lina­win ang lahat ng mensahe mo sa minamahal. Mahirap ang malinlang sa ma­ling balita. Wag ding katakutan ang pagbabago sa isang plano. Lucky color: Red, lucky number: 34.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May kalituhan sa mga mensaheng ipinararating sa iyo. Kailangan mong maging alerto at mag-double check. May mga pasanin na hindi talaga para sa iyo. Wag maging bayani lalo na kung ikaw lang din ang mahihirapan. Lucky color: Gold, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan mo ngayong i- balance ang buhay. ‘Wag mong ibuhos lahat ng atensyon sa isang aspeto ng buhay na hindi mo kapado. Wag kang mabibo. Umamin kung hirap para hindi na mahirapan pa. Lucky color: Silver, lucky number: 2.