Elpidio Quirino
Former President of the Philippines
Kaarawan:
Nobyembre 16, 1890
May pagkamisteryosa ang personalidad ng lalaking Scorpio. Tahimik lang pero malakas ang emosyon. Mahalaga sa kanila ang intimacy dahil ito ang daan para mag-open up sila ng kanilang damdamin. Kapag nakuha na nila ang pagtitiwala ng ka-partner, handa silang magsilbi at magmahal nang walang hanggan.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Taglay mo ngayon ang kakaibang lakas. Matalas ang kaisipan at madaling matututunan ang anumang itinuturo sa iyo. Magagamit ang artistic talent sa mga proyekto na puwedeng pagkakitaan ngayon. Magplano ng intimate dinner para sa special someone.Lucky color: Brown, lucky number: 11.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-ingat sa mga manloloko. Pagnilayan ang nilalaman ng isipan. Mas mag-focus sa mga magagandang bagay. May nais ipahiwatig ang panaginip na paulit-ulit. Lucky color: Gray, lucky number: 50.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang pangyayari ang hindi mo na mapipigilan. Matatakot dito sa simula, pero kung hahayaan lang ay masasanay ka din. I-enjoy ang resulta ng pinaghirapan. Hindi makakaramdam ng pagod dahil sa sobrang kaligayahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 24.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Dagdagan ang kayod para sa inaasam na dagdag na kita. Iikot ang buong araw tungkol sa trabaho. Ituloy ang magandang attitude na magbibigay sa iyo ng maraming project. Lucky color: Yellow, lucky number: 46.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malalagpasan ang mga sagabal sa iyong pangarap. Kasama na dito ang iniindang sakit. Mas titindi ang emosyon sa taong kasama. Dahil sa masayang buhay, magre-reflect ito sa iyong personalidad. Lucky color: Gray, lucky number: 14.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maraming aktibidad. May bisita na tutulong sa iyong gawain. Malakas ang intuition. May mapupulot na aral sa isang estranghero. Ingat sa paglalabas ng saloobin sa isang kaibigan. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Matutupad ang mga gustong marating sa buhay. Lakarin ang naka-pending na dokumento. May makikilala na makakatulong sa iyong problema. Magiging maayos ang takbo ng buong araw. Lucky color: Violet, lucky number: 40.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –May koneksyon ang mga bagay na nangyayari sa iyong paligid sa isang malaking desisyon. Pigilin ang sarili na magsalita nang hindi maganda. Pagsisisihan ang pinalagpas na oportunidad. Maghintay na lang ulit ng darating na suwerte. Lucky color: Orange, lucky number: 48.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mataas ang energy na parang kaya mong tumakbo ng marathon. Magyaya ng out of town o kaya’y magsimula ng bagong sports. Gamitin ang talent sa creative project. Huwag masyadong magpagod para makatulog nang maaga. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May malakas na impluwensiya ngayon kaysa sa mga ordinaryong araw. Aralin ang ‘power of mind over matter.’ Ingat sa paghahangad dahil baka biglang magkatotoo. Tandaan ang pangalan ng mga bagong nakilala. Lucky color: Brown, lucky number: 39.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May magaganap na pag-uusap sa mga kaibigan at kaanak. Kaya mong gawing posible ang mga bagay na imposibleng mangyari dahil sa tiyaga. Gumawa ng maingat na pagpaplano para sa isang malaking sorpresa. Lucky color: Blue, lucky number: 11.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magagamay mo din ang bagong trabaho. Huwag basta na lang sumuko nang hindi nasusubukan ang mga bagay na bago sa iyo. Ngayon ang tamang araw para magsimula ng bagong diet at exercise regimen. Lucky color: Red, lucky number: 9.