Mark Caguioa


(Kaarawan: Nobyembre 19, 1979)

Isa sa pinaka-power­ful sign sa zodiac.­ Paiba-iba ng mood, totoong tao at lapitin ng opposite sex dahil sa taglay nilang karisma.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Asahan ang isang malaking sopresa. Hindi mo man naunawaan ang nangyayari, okay lang ito dahil kalaunan magiging malinaw din ang lahat. Iwasan ang sobrang aktibidad sa bandang gabi. Lucky color: Brown, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pa­nindigan ang naging desisyon. Hindi man ito ang tama, mas higit na marami ang natulungan nito. Baguhin ang style sa pakikipag-deal sa mga tao. Huwag maging bossy. Mas epektibo ang pagiging kalmado at simple sa pakikipag-usap. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging abala dahil sa planong biyahe. Mae- expose sa iba’t ibang kultura. Mag-ingat sa mga taong arogante na puwedeng makisara sa iyong diskarte. Dagdagan ang pasensya. Lucky color: Maroon, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makakatanggap ng pera sa inyong opisina. Mag-ingat dahil puwedeng mauwi sa sakit ang nararamdamang kirot sa katawan. Magpahinga sa buong araw at matulog. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag mahiyang magtanong kung may hindi naiintindihan. Mara­ming matututunan sa taong kausap sa araw na ito. Sumama sa mga aktibidad na magbibigay ng bagong kaalaman. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas mabuting ipaalam sa kapartner ang mga plano. Posibleng mauwi sa malaking away kung magtatago ng sikreto sa isa’t isa. Ipaalam din sa sariling pamilya ang gagawin. Magugulat sa magandang payo na matatanggap. Lucky color: Green, lucky number: 51.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mapupuno ng kasiyahan ang buong araw bagama’t medyo tensed sa hapon dahil sa isang tao na biglang makikita. Magiging maganda ang kita sa negosyo kaya’t ituloy lang ang ginagawa. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging successful ang mga business deal. Mag-focus sa target dahil marami pang nakalaan na suwerte sa trabaho. Magregalo. May kakaibang tuwa ang madadama kapag may napasayang miyembro ng pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May mga manggugulo kaya mahihirapang tumingin sa isang direksyon. Bago matapos ang araw, may matutuklsan sa sarili. Makakatanggap nang pagkilala sa isang okasyon. Magpasalamat sa mga taong naniniwala sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 47.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malalagay sa isang sitwasyon na hindi ka na makakaatras. Magpamasahe para ma-relax. Dahil sa mabuting kalooban, maimbitahan sa komunidad. May isang tao na makikilala na makakatulong sa iyong misyon sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 5.