Betong Sumaya
Kaarawan: Nobyembre 21,1975
Malakas ang hatak ng power o kapangyarihan sa mga lalaking Scorpio. Hindi kagaya ng ibang zodiac, mas gusto nila na nasa limelight at sentro ng atensyon.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mahihirapang pumili sa dalawang importanteng tao sa iyong buhay. Huwag magpaimpluwensya sa matandang kasabihan. Isipin na nasa makabagong panahon na at kailangan ang makabagong ideya. Lucky color: Maroon, lucky number: 5.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi mo mababago ang ibang tao. Mas mabuting ikaw na muna ang gumawa ng paraan para magbago ang sitwasyon. Ipakita na seryoso ka sa iyong sinasabi. Isang dating pangarap ang manunumbalik sa isipan. Lucky color: White, lucky number: 6.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dagdagan ang kumpiyansa. Ito ang magbibigay sa iyo ng chance para mapunta sa puwesto na matagal mo nang inaasam. Maganda ang magiging resulta ng pagtutulungan ng pamilya. Lucky color: Gray, lucky number: 47.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kumbinsihin ang mga kasama na magkaisa. Ayusin ang mga oras para magkasundo sa gagawin. Dahil sa iyong malakas na personalidad, magagawa mong pagtabihin ang 2 kaibigan na magkaaway. Ito na ang simula ng magandang samahan. Lucky color: Pink, lucky number: 36.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi magiging madali ang araw na ito lalo na sa takbo ng pananalapi. Nakabitin pa ang inaasam na peace and harmony sa relasyon. Habang naghihintay, mas mabuting i-focus ang atensyon sa ibang bagay.Lucky color: White, lucky number: 1.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maraming mapapansing pagbabago tungkol sa ka-partner. Titindi ang galit at pagdududa. Pagkatapos ng lahat ng takot at agam-agam, manunumbalik din ang dating samahan. Lucky color: White, lucky number: 20.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tumitindi ang tensyon sa paligid. Tanggapin ang kinasapitan ng proyekto. Kung hindi man ito naging matagumpay, mas galingan na lang sa pangalawang pagkakataon. Iwan muna ang pagiging emotera para hindi kainisan. Lucky color: Violet, lucky number: 3.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa kailaliman ng iyong puso, may tumitibok sa kabilang direksyon. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Bigyan ng panahon ang sarili para makapag-isip. Hindi magiging masaya kung alam mong may isang tao na nasasaktan sa gagawin. Lucky color: Green, lucky number: 50.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Oras na para makuha ang inaasam. May mga balakid na magdudulot ng tensyon. Makinig sa sinasabi ng damdamin. Kung anuman ang kahitnan ng desisyon, tanggapin ito nang maluwag sa dibdib. Lucky color: Blue, lucky number: 36.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Magulo ang isipan sa araw na ito. May mga bagay na hindi na makontrol. May malakas na puwersa ang tumutulak sa iyo na umalis na lang para makaiwas sa komprontasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 48.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ikaw ang ‘star’ sa iyong grupo. Bagama’t hindi ito ang nararamdaman, alam mo na malaki ang naitulong mo sa mga kasamahan. Magiging posibleng mga bagay kung gugustuhin. Lucky color: Red, lucky number: 15.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag kuwestiyunin ang mga dumarating na blessing. Hindi ito ang tamang oras para maghanap. Kailangan mo ng tulong para magtagumpay.Lucky color: Orange, lucky number: 11.