Yael Yuzon 
Kaarawan:
Nobyembre 22, 1973
Mabilis ma-inlove ang mga lalaking Sagittarius. Gagawin niya ang lahat  ng klase ng panunuyo para sa taong minamahal. Pero madalas ay sa simula lang sila masipag, kalaunan, mabilis din sila ma­nawa lalo na kapag nakaha­nap na naman sila ng bagong love interest.
ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Mas magi­ging magaang para sa iyo ang araw na ito. Maa­yos ang daloy ng pera. Sumama sa mga kaibigan at magrelaks. Kailangan mo ng saya na hatid ng mga kaibigan. Lucky color: Orange, lucky number: 11.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag magpaapekto sa opinyon ng iba kung ang pinag-uusapan ay ang sarili mong problema. Ikaw ang hi­git na nakakaalam ng sitwasyon, ikaw pa rin ang dapat masunod. Kailangan mo lang mailabas ang sama ng loob. Lucky color: Violet, lucky number: 10.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa gitna ng magulong pangyayari, tulungan mo ang sarili mo na maliwanagan at makabangon. Huwag magpatangay sa depresyon. Kailangan mong kumalma at dagdagan ang pagdarasal. Lucky color: Brown, lucky number: 21.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May hatid na sopresa ang araw na ito. Posibleng may kinalaman ito sa isang phone call mula sa isang espesyal na indibidwal. Kung may pagkakataong makipag-date, gawin ito ngayong weekend. Makipag-mingle kung single. Lucky color: Gray, lucky number: 58.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makakaramdam ng matinding pagod. Kung may vitamins, huwag kalimutang uminom araw–araw. Huwag ha­yaang maapektuhan ang kalusugan. Mag-recharge para may lakas sa mga susunod na araw. Lucky color: White, lucky number: 2.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Lumayo sa anumang komprontasyon. Hindi ito ang tamang oras para magalit nang matindi. Espes­yal ang araw na ito, huwag hayaang masira dahil sa hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Green, lucky number: 38.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Exciting ang mga magaganap na may kinalaman sa isang namumuong romansa. Kung may commitment ka na, pag-isipan muna ito nang mabuti. Timbangin kung sino ang higit na matimbang sa puso. Huwag magpadala sa sobrang emosyon. Lucky color: red, lucky number: 20.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kalmado ang araw na ito. Tapos na ang tension kaya dapat maging Masaya. May isang tao na hindi pa rin nawawala sa isip mo. Hanapin ito at kamustahin. Lucky color: Brown, lucky number: 46.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sinumang kakumpetensya mo ay mauungusan ngayon. Maging propesyonal sa lahat ng pagkakataon. Hindi masamang magpakumbaba kahit na binabato ng hindi magandang salita.   Lucky color: Pink, lucky number: 9.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Anumang nasimulang proyekto ay matatapos nang maaga. Bagama’t maraming stress, manatiling naka-smile para hindi pumangit. Tandaan ang magandang leksyon ng mga pangyayari. Lucky color: Blue, lucky  number: 48.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May nakakalungkot na pangyayari sa  bahay. Isang diskusyon ang magiging mainit at marahas. Hindi masamang mag-usap uli at humanap ng makakasama para may umalalay sa iyo. Huwag lumakad na mag-isa. Lucky color: Pink, lucky number: 54.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May gusto kang baguhin sa relasyon pero hindi masabi nang personal. Maaring napapagod ka na sa supporting role mo sa inyong samahan. Dalawang bagay lamang ang puwedeng gawin: magtiis o magsalita na. Lucky color: Yellow, lucky number: 26.