Horoscope 11/25/2018

Horoscope

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Mapupuno ng emosyon ang araw na ito. Ito ay sarili mong kagustuhan kaya tanggapin ng maluwag sa dibdib. Maging tapat sa sasabihin. Iwasang mang-impluwensya ng iba.Lucky co­lor: Brown, lucky number: 24/

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Malaki ang matutulong sa mga kasama dahil sa patas na katwiran. Hindi mo mapapasunod ang lahat sa iyong kagustuhan. Umiwas sa away kahit na marami ang nang-iinis sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag ikompromiso ang sariling prinsipyo. Alamin ang sikreto ng balanseng pamumuhay. Huwag ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi para sa iyo. Lumaban kung kinakailangan.Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bilisan ang kilos at magiging intense ang araw na ito.Ihanda ang sarili sa maraming kaganapan. Magbihis nang naayon sa iyong posisyon sa trabaho. Hindi maiiwasang magalit. Idirekta ito sa taong puntirya ng emosyon. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May kokontra sa iyong pananaw. Hindi ito makakatulong sa sitwasyon. Maaaring isabotahe pa nito ang iyong plano. Huwag kumagat sa patibong na sisira sa iyong magandang kinabukasan. Lucky color: Brown, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Tignan sa malaking picture ang mga naganap. Kung aaraling mabuti, mas paborable ito para sa iyo. Huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mali ang taong pinagbibinta­ngan. Huwag ubusin ang lakas sa trabaho. Bigyan ng oras ang pamilya na matagal nang naghihintay sa iyo. Ipasyal sila o kumain sa labas.Lucky color: Blue, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Dahil sa sobrang busy, may ilang bagay na makakaligtaan. Iwasang sumawsaw sa drama ng ibang tao. I­ngat sa balon na malalim. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Maging malaya sa gagawing pagpili kahit na magdulot ito ng tension. Mauuwi sa argumento ang pag-uusap at ikaw ang masisisi dito. Walang dapat ikatakot kung paninindigan ang tamang katwiran. Lucky color: Gold, lucky number: 39.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19) – I-focus ang isip sa bagay na gustong makuha. Isa itong lugar na gustong puntahan o bagay na gustong makamit. Asahan ang mga mangyayaring aberya bago ito mapa­sakamay. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maraming ganap sa paligid na hindi mo makokontrol. Magkakaroon ng linaw ang sitwasyon na matagal nang nakatago. Sasabog ito at magi­ging mitsa nang hindi pagkakaunawaan.Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Walang magiging sagabal sa paglalabas ng saloobin. Asahan ang magandang sagot na iyong ikakatuwa. Marami ang umaasa na ito na ang iyong magi­ging ‘forever’. Lucky color: White, lucky number: 8.