Angeline Quinto 
(Kaarawan: Nobyembre 26,1989)
Ang mga babaeng Sagittarius ang pinaka-sentimental sa lahat ng zodiac signs. Pinapahalagahan  nila ang masasayang sandali at natatandaan ang kahit­ ang pinaka­maliit na detalye tungkol sa inyong relasyon.
 
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Bukod sa mga personal conflict, magkakaproblema din sa schedule sa araw na ito. Hindi ito malulutas na mag-isa. Hindi mo responsibilidad na mapasaya ang ibang tao. Magiging magaan ang lahat sa bandang hapon. Lucky color: Brown, lucky number: 40.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming pagbabagong magaganap sa buhay. Hindi mo pa alam ang susunod na gagawin. Magkakalinaw ang lahat kung makikinig sa instinct. Ilapit ang sa­rili sa mga importanteng tao sa iyong buhay. Lucky color: White, lucky number: 7.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Tumingin sa paligid. Kung sa palagay mo na ikaw ay nasa tamang direksyon, tumuloy lang sa daan na tinatahak. May paalala sa iyo tungkol sa pinakaimportanteng bagay sa iyong buhay. Alagaan ang kalusugan. Lucky color: Gray, lucky number: 2.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Kumawala sa bagay na pumipigil sa iyo na gawin ang iyong gusto. Ipagpaliban ang pakikipagkita sa isang kaibigan. I-prioritize ang sarili at walang masama dito. Lucky color: Blue, lucky number: 54.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magigising sa isang biglang pangyayari sa buhay. Bigyan ng oras ang sarili. Nga­yon ang tamang panahon para planuhin ang future. Sundin ang direksyon tungo sa iyong pangarap. Lucky color: Brown, lucky number: 19.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang uunawain. Bigyan ng kredito ang taong  nakatulong. Maging magiliw sa ibang kasamahan. Hindi kailangang umiwas sa komprontasyon dahil ito ang tanging  paraan para matapos na ang isyu. Lucky color: Gray, lucky number: 28.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maraming iisipin sa trabaho at school kaya may isang tao na napapaba­yaan. Ayusin ang schedule. Kung may malaking desisyon na gagawin, may isang tao na handang umalalay sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 11.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Itigil sandali ang ginagawa at isipin ang sitwasyon. Makinig sa sinasabi ng iyong kalooban. Huwag magmadali. Planuhin mabuti ang gagawing hakbang.Lucky color: Maroon, lucky number: 30.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May hindi pagkakaunawaan. Kung anuman ang  pinagmulan nito, ito ang dapat ayusin. Huwag isantabi ang suspetsa o duda. May komento na konektado dito. Unawain itong mabuti. Lucky color: Blue, lucky number: 50.
CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Magiging maaayos ang takbo ng relasyon. Pairalin ang respeto sa samahan kung gusto mo itong  magtagal at yumabong. Mahirap makahanap ng isang tao na tapat at masasandalan. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung plano mong balikan ang isang nakaraan, ay huwag na itong ituloy. Tanggapin na hindi na maibabalik  ang  magandang samahan. Sadyang may mga bagay na hindi swak at nababagay sa isa’t isa.Lucky color: Red, lucky number: 25.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Kailangang magsakripisyo. Pero hindi naman ito pangmatagalan. Kailangan lang pagbigyan ang  kabilang panig. May ma­laking isyu na kailangang paghandaan. Ihanda ang sarili sa matinding bugso ng emosyon. Lucky color: Orange, lucky number:8.