Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Kaarawan: Nobyembre 27, 1932
Easygoing at mahilig sa adventure ang lalaking Sagittarius. Kaysa magtigil sa bahay, mas gusto nilang lumabas at mag-nature trip. Hindi sila ang tipo na titigil sa isang lugar. Ayaw nila ng routine. Mas masaya sila sa labas ng kanilang comfort zone.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Bumubuti na ang pakiramdam. Marami na ang nakakapansin sa sinisimulang pagbabago. Mag-ingat dahil puwedeng pagmulan ng pagkakamali ang pressure na ibinibigay mo sa sarili mo. Lucky color: Green, lucky number: 55.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasan muna ang malayong paglalakbay. Mas mabuting sa bahay lang magpalipas ng maghapon. Maging praktikal sa lahat ng pagkakataon lalo na tungkol sa pera. Lucky color: Gray, lucky number: 45.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May tila naulit na pangyayari sa iyong buhay. Isiping mabuti ang isang nakaraan. Gawing inspirasyon ito para bumalik ang kumpiyansa sa sarili. Lucky color: Violet, lucky number: 5.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Normal lamang na matakot lalo na kung nag-iisa. Gayunpaman, hindi ito dahilan para tuluyang iwan ang magandang trabaho. Lilipas din ang mga agam-agam. Ituloy lang ang matagal mo nang gustong gawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas mabuting itabi muna ang hawak na pera habang pinag-iisipan pa ang gagawing plano. Ngayon ang tamang araw para ituwid ang maling impresyon sa iyo. Ipakita ang iyong kakayahan. Parating na ang oras ng iyong malaking suwerte. Lucky color: Red, lucky number: 10.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pakinggan ang opinyon ng ibang kasama. Matatagalan pa bago maging kampante sa bagong kaibigan. Habang naniniwala sa iyo ang mas nakararami, hindi na mahalaga ang opinyon ng isang taong na walang kredibilidad. Lucky color: Violet, lucky number: 28.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag masyadong dibdibin ang negatibong nangyayari sa isang taong malapit sa iyo. Kung hindi ka naman direktang kasama, mas mabuting dumistansya muna. Magsuot ng makulay na damit para lapitan ng suwerte. Lucky color: Orange, lucky number: 10.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mong dagdagan ang kontrol sa sarili pagdating sa isang sensitibong sitwasyon. May pagkakataon na kailangan nang tanggihan ang ilang kaibigan. Umiwas na sa taong hindi magandang impluwensiya. Lucky color: Red, lucky number: 35.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Posibleng hindi maiwasan ang isang komprontasyon sa araw na ito. Ikaw na ang pumagitna para sa dalawang panig. Babaan ang boses para kumalma ang lahat at hindi na lumaki ang gulo. Lucky color: Violet, lucky number: 5.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mong balansehin ang oras sa trabaho at pamilya. Pagmumulan ng tensiyon sa iyong lovelife ang mas maraming oras sa kaibigan. Unahin ang mga bagay na importante sa iyong buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi malayong magkaroon ng misinterpretation kung hindi lilinawin ang gustong sabihin. Maging simple sa salita pero diretsahin ang kausap. Maging klaro sa mensaheng gustong ipahatid. Lucky color: Gray, lucky number: 40.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May pagkakataong malungkot at mas gustong mag-isa. Hayaan lang ang quiet mood. Normal lang ito at huwag mabahala. Isang kumpirmasyon ang matatanggap sa inaaplayang trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 8.