Andres Bonifacio

Kaarawan: Nobyembre 30, 1863
Mabilis mawala sa focus dahil sa pagiging childish o isip-bata. Pero sa kabilang banda, realistic at puno ng tiwala sa magandang kinabukasan. Hindi siya nauubusan ng magagandang ideya dahil sa malawak niyang kaisipan.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tinatamad ang pakiramdamam pagkagising pero sisigla na rin sa bandang hapon. May isang tao na magpapalakas ng self confidence. May kakaibang kinang ang iyong personalidad sa araw na ito. Ugaliin na palaging naka-smile. Lucky color: Gray, lucky number: 50.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gawin na agad ang trabaho sa umaga para makapagpahinga sa bandang hapon. Bawasan ang isipin. Magpatulong kung kinakapos ng energy. Maraming gustong mag-volunteer para umalalay sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Lakasan ang kumpiyansa sa sarili. Hindi mo lubos na magagampanan ang iyong trabaho kung may duda. Paghandaan ang malaking proyekto. Mag-aral at magbasa para sa karagdagang kaalaman. Lucky color: White, lucky number: 30.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahihirapang kontrolin ang emosyon lalo sa bandang gabi. Humanap ng tao na magpapayo sa iyo. Kailangan mo lang ng moral booster para magampanan ng maayos ang trabaho. Piliting maging balance ang buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 5.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gagantimpalaan sa maayos na pag-uusap. Ibuhos ang energy sa proyekto na may kabuluhan. Pagaangin ang kalooban. Lumabas at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 55.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Lalong magiging matibay ang pagsasama. Piliin ang taong pakikinggan. Hindi lahat nang nagsasalita ay may gustong sabihin sa iyo na totoo. Huwag ibuhos ang frustration sa iba. Mag-focus sa mga goal sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 18.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Unti-unting mabubuo ang isang malaking palaisipan sa iyo. Ikonekta ang sarili sa isang tao na malakas ang personalidad at matalino. Gawin ang mga gustong gawin at huwag magmadali. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 22) – Kailangang pumunta ng maaga sa trabaho. Huwag mangako nang hindi mo kaya. Ang iyong salita ay siniseryoso ng marami kaya mag-ingat sa mga gagamiting salita. Magtiwala sa sariling mong judgement. Lucky color: Pink, lucky number : 11.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May taong gustong manggulo. Ihanda ang sarili sa komprontasyon. Hindi ka na makakaiwas dito kaya wala nang atrasan. Ang mas mabuting gawin ay salubungin ito para matapos na rin ang gulo. Lucky color: Blue, lucky number: 40.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Biglang mag-iiba ang mood. May gustong sabihin at ipaglaban. Payagan ang isang tao na maging palaya bagamat buksan ang komunikasyon sa isa’t isa. Lucky color: Brown, lucky number: 19.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maging praktikal sa desisyon. Mag-ingat sa pagpili ng makakarelasyon. Mag-imbestiga at magtanong. Huwag agad maniwala sa matatamis na salita. Lucky color: Green, lucky number: 47.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging emosyonal sa isang isyu. Kung hindi pa talaga naka-move on, aminin ito at huwag pilitin. May makakalimutan dahil sa pagmamadali. Lucky color: Orange, lucky number: 34.