ARIES (March 21-April 19) — Apektado ka na ng matinding stress sa trabaho. Uminom ng maraming tubig. Mag-exercise pero pilitin ding makapagpahinga. Good day para mag-relax. Ipikit kahit sandali ng mga mata. Lucky color: Orange. Lucky number: 30.

TAURUS (April 20-May 20) — Feeling romantic sa love partner. Huwag mag-panic kung hindi makausap o makita ang kaibigan. Lilitaw din ito kapag hindi mo na hinihintay. Lucky color: Brown. Lucky number: 56.

GEMINI (May 21-June20) — Isang babae ang biglang dadalaw. Maiinis ka pa sa una pero kalaunan, mag-e-enjoy ka na sa mga kuwento nito. Dumistansiya sa taong insecure. Lucky color: Maroon. Lucky number: 11.

CANCER (June 21-July 22) — Maraming matatanggap na calls sa araw na ito. May mula sa malayo at may mula sa kaibigan na may mabigat na problema. Isantabi muna ang tampo sa kasuyo na may magandang sorpresa. Lucky color: White. Lucky number: 43.

LEO (July 23-August 22) — Usapan tungkol sa pera ang mangingibabaw sa araw na ito. Bayaran ang mga utang para hindi matsismis. Lumabas at sumagap ng sariwang hangin. Mag-out of town para makapasyal-pasyal. Lucky color: Red. Lucky number: 17.

VIRGO (August 23-September 22) — Nasa good mood. Mataas ang energy na parang kayang gawin ang lahat ng bagay. Walang pwedeng kumontra sa plano dahil ito ang magluluklok sa iyo sa tagumpay. Lucky color: Gray. Lucky number: 40.

LIBRA (September 23-October 22) — Huwag nang mahiya, tawagan ang special someone na miss na miss mo na. Makinig sa mahabang kuwento ng kaibigan. May business offer ito na dapat pag-isapan muna. Lucky color: ­Silver. Lucky number: 39.

SCORPIO (October 23-November 21) — La­labas ang tunay na talino at galing. Magiging sandalan ang taong hindi mo inaasahang dadamay sa iyo. Huwag kalimutang magpasalamat. Lucky ­color: Green. Lucky number: 22.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) — Huwag masyadong alalahanin ang pagbabago sa personal o professional life. Mas mabuting yakapin na lang ang pagbabagong ito at maging positibo. Maraming stress sa paligid. Huwag mo itong pulutin. Lucky color: Peach, lucky number: 37.

CAPRICORN (December 22-January 19) — May mga plano na gusto mong balikan. Isiping mabuti ang gagawin bago umarangkada. Magtipid nang kaunti. Hindi lahat ng araw ay masagana ka. Lucky color: Black. Lucky number: 22.

AQUARIUS (January 20-February 18) — Matatapos na ang inaayos na legal papers. Feeling special ang araw na ito dahil sa good news. Tanggapin nang maluwag sa dibdib ang bagong trabaho. Mag-ingat sa paglalakad sa mataong lugar. Lucky color: Pink. Lucky number: 30.

PISCES (February 19-March 20) — Tignan sa mata ang taong kausap. Payuhan nang tama ang kaibigan na naliligaw ng landas. Isang kabanata ng buhay ang biglang babalik at maghahatid ng saya sa araw na ito. Lucky color: Blue. Lucky number: 11.