Woody Allen

Kaarawan: Disyembre 1, 1935
Kayamanan ng isang Sagittarius ang malayang kaisipan. Kaya naman mahilig silang mag-travel at tumuklas ng iba’t ibang kultura at pilosopiya. Dahil sa kanilang katapatan, madaling maubos ang pasensya nila sa mga taong manloloko at mapagpanggap.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gusto mong ipaalam sa iba ang nararamdaman mo ngayon. Huwag mahiya na ilabas ang emosyon. Ikaw na ang magbukas ng topic. Babalik ang dating sigla kapag nailabas na ang lahat ng sama ng loob. Lucky color: Brown, lucky number: 30.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag hayaan itulak ka ng ibang tao. May sarili kang pangarap na kailangang matupad base sa diskarte mo. Alamin ang gustong destinasyon sa buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magdesisyon na sa araw na ito. Nasa iyo na ang lahat ng impormasyon kaya huwag nang i-delay ang katotohanan. Sa oras na makapadesisyon ka na. Asahan ang paggaan ng mga bagay-bagay. Lucky color: Gold, lucky number: 3.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging maayos ang takbo ng isip. Lahat ng isyu ay kaya mong lusutan. Ang pinakamahirap gawin ngayon ay itago ang iyong nararamdaman. Hanap mo ay isang tao na tunay na magmamahal sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 23.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nasa tamang lugar ang iyong puso. Ipakalat ang good vibes sa araw na ito. Huwag nang palakihin ang maliit na isyu. Sundin ang sinasabi ng iyong puso. Lucky color: Gray, lucky number: 48.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Naiipit sa idinidikta ng puso at isipan. Ingat dahil baka lumaki ang tension. Mag-relax lang at isa-isahin ang mga gagawin. Mas madaling mapagod kapag maraming iniisip. Lucky color: Orange, lucky number: 26.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magugulat sa ikinikilos ng isang kasamahan. Kapag pinigilan ang sarili ay mas lalo kang mahihirapan. Kailangan mong kumalma. Maging patas sa paghusga at huwag idaan sa galit ang gustong ipahiwatig. Lucky color: Red, lucky number: 18.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangang tumayo at sabihin ang gustong sabihin. Hindi kailangang sumunod sa lahat ng utos lalo na’t alam mo na malalagay ka sa alanganin. Gawin ang alam mong tama. Lucky color: Green, lucky number: 34.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mataas ang self-confidence. Makakaya mong lusutan ang mental challenge sa iyong relasyon. Mas mabuting idaan ito sa malumanay na pag-uusap. Lucky color: Gray, lucky number: 7.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magulo ang isip dahil sa magulong paligid. Unti-untiin ang pagliligpit kundi man ito magawa sa isang araw. Kung hindi makakilos ay mas mabuting iutos na lang ito sa iba. Lucky color: White, lucky number: 56.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sumabay lang sa agos ng mga pangyayari. Hindi makakabuti sa iyo ang pagkontra o pagtutol dahil pagmumulan ito ng malaking isyu. Hindi mo kakayanin ang panibagong pagsubok dahil hindi pa tuluyang nahihilom ang sugat. Lucky color: Green, lucky number: 15
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Damayan ang kaibigan na may pinagdaraanan. Huwag magulat kung maraming gustong lumapit sa iyo at makipag-usap. Matalas ang isip. Makikita mo na ang pinagmumulan ng matagal ng problema. Lucky color: Violet, lucky number: 6.