Jessy Mendiola
Kaarawan: Disyembre 3, 1992

Idealistic at honest ang mga babaeng Sagittarius. Masayahin din sila at mapagmahal. Kailangan nila ng isang ka-partner na may dedikasyon sa relasyon na kagaya nila. Hanap niya ay isang tao na magbibigay ng tunay na pagmamahal, at may sense of adventure para hindi maging boring ang kanilang pagsasama.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mahirap makuha ang totoong sagot sa iyong mga tanong. Ingatan ang hawak na baraha. Maraming ibig sabihin ang iyong obserbasyon. Bigyan ng time ang minamahal at maging extra sweet. Lucky ­color: Brown, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May good news. Matatapos na ang negatibong ganap sa paligid. Magiging matindi ang init ng pagsasama. Umiwas sa mga argumento. Lucky color: White, lucky number: 13.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ayusin ang mga priority. Unahin ang pagpapahalaga sa kalusugan. Kailangan mo ito ngayon. Mag-­exercise. I-challenge ang sarili sa mga exercise na ngayon pa lang gagawin. Maging maingat sa pagkain. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Iwasang magmadali para hindi magsisi. May nakakahiyang pangyayari na posibleng mag-viral. Ingat sa mga sinasabi at ipino-post sa social media. Lucky ­color: Gold, lucky number: 1.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Lumayo sa mga drama. Huwag hayaang masira ang sariling diskarte. Mas relaxing sa bahay kaysa sa ibang lugar. Subukang ibahin ang ayos ng mga gamit para sa mas masayang vibes. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi na mababawi ang mga nasabi na. Mas mabu­ting huwag nang magsalita kung hindi kinakausap. Unahin ang importanteng imbitasyon. Maraming oportunidad na darating. Huwag itong sayangin. Lucky color: Yellow, lucky color: Gray.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nasa iyong desisyon kung sino ang pipiliin. Paghandaan ang malaking gastusin. Matutong tumanggi kung alam mong may mali. Hindi masamang panindigan ang prinsipyo. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag sarilinin ang mga tanong. Magiging pabigat ito sa iyong dibdib. Kung hindi masabi, mas mabuting idaan sa sulat o tawagan ang taong ito. Lumayo sa komprontasyon sa mga nagkukunwaring mga kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Bigyan ng second chance ang isang nagkamali. Walang perpektong tao. Bagama’t ­lahat ay nagkakamali pero kailangang mag-set ng limitasyon para hindi mabiktima nang pa­ulit-ulit. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May malaking event na magaganap. Biglang mag-iiba ang direksyon ng isipan. Dahil ito sa impluwensiya ng isang tao na malapit sa iyong puso. Lucky color: Red, lucky number: 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pangako na mapapako. Palipasin muna ang ilang araw para bumaba ang tensyon. May malaking pagbabago sa career. Huwag personalin ang mga sinabi ng kaibigan na nagsasabi lang ng totoo. Maging patas sa dalawang panig. Lucky color: Pink, lucky number: 38.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lumabas ng comfort zone. Maraming naghihintay sa iyo na suwerte sa ibang lugar. Lakasan ang loob at harapin ang bagong mga pagsubok. Mabilis na sisikat ang araw sa iyong direksyon. Lucky color: Blue, lucky number: 5.