Walt Disney
American
entre­preneur
Kaarawan:
Disyembre 5,1901

Tapat na tao at direktang magsalita. Ginagamit niya ang kanyang isip sa bawat ginagawa. Maganda siyang ehemplo dahil sa pagiging spontaneous. Nagi­ging agresibo o walang pasensiya lalo na kapag sinusubukan ang kanilang pagiging perfectionist.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Su­bukang kausapin ang taong katabi sa bus o makakasalubong sa daan. Maaaring may ibibigay itong aral na magpapabago sa iyong buhay. Mahalaga ang palitan ng opinyon para madagdagan ang kaalaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 43.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masusubukan ang iyong pasensiya. Huwag basta maniwala sa nakikita lang. May nagaganap na mas malalim. Panindigan ang paniniwala at prinsipyo. Lucky color: Yellow,lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magugulat sa iyong narating. Nagawa mo ito dahil sa tiyaga at pagsisikap. Samantalahin ang malakas na positive energy. Ito ang nagbibigay sa iyo ng suwerte sa buhay. Lucky color: Green, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maging flexible. Huwag makuntento sa isang ginagawa. Maraming oras na puwedeng ilaan sa ibang bagay. Nasa iyong mga kamay ang iyong ikakatagumpay. Magiging malinaw ang misyon sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 7.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malakas ang puwersa na tumutulak sa iyo para gumalaw o kumilos. Huwag gawin ang bagay na labag sa iyong kalooban. Kung may nakitang mali, huwag matakot na magsalita. Lucky color: Gray, lucky number: 48.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Busisiin ang mga detalye. Ayusin ang sarili bago lumabas ng bahay. Pili­ting magkaisa para sa iisang goal sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mahahawakan mo na ang matagal nang inaasam. Gawin na ang first move sa malaking plano. Alamin sa iyong sarili ang mga bagay na totoong magpapasaya sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 39.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Masasangkot sa isang hindi magandang sitwasyon. Kalmahin ang sarili. Mas lalong hindi makakapag-isip kung galit. Uminom ng tubig at humi­nga ng malalim. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May isang tao na mabilis magsalita kaya hindi mo maintidihan ang sinasabi nito. May mas malalim na dahilan ang mga kaganapan. Lawakan ang pang-unawa. Iwasan ang sobrang pag-iisip. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Posibleng lumaki ang gulo dahil sa biglaang desisyon. May mali sa impormasyon. Hayaan munang kumalma ang sitwasyon bago magbigay ng opinyon. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May kakaibang pakiramdaman na parang malayo sa realidad. Piliting ma­ging balanse ang buhay. Biglang may darating na hindi inaasahan. Kailangan itong tanggapin. Lucky color: White, lucky number: 20

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lumakad sa sariling pacing. Hindi kailangang tumakbo o magmadali. Mawawala ang boses dahil sa dami ng tao. Huwag pagkaitan ang sarili. Huwag matakot dahil may isang tao na handang sumama sa iyong adventure sa buhay. Lucky color: Pink, lucky number: 9.