Eddie Panlilio
Kaarawan:
Disyembre 6, 1953
Masayahin at palabiro. Mahilig mag-travel sa iba’t ibang mga lugar. Kaya nilang pagsabayin ang pleasure at trabaho kaya kahit saan sila ilagay o idestino ay wala silang reklamo.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas mara­ming maniniwala sa iyo kung ipapakita mong seryoso ka sa iyong gagawin. Maging open min­ded. Pakinggan ang sinasabi ng mga tao sa pali­gid mo. Huwag masamain kung may kontra sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 6.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi lahat ng sinasabi sa iyo ay dapat paniwalaan. Matutong kumilala ng tunay na kaibigan. Pag-aralan ang motibo ng taong may masamang balak. Kailangan mong balansehin ang lahat ng impormasyon bago ka magsalita ng tapos. Lucky color: Orange, lucky number; 14.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang tao sa paligid mo ang tila sinasadya ang pagpapahirap sa iyo. Marahil may gusto lang itong patunayan. Ipakita ang determinasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Yayain ang mga kaibigan na mamasyal. Kailangan mo ngayong makalanghap ng sariwang hangin. Mas­yadong magulo ang isipan kaya’t maraming naiisip na hindi maganda. Lucky color: Violet, lucky number : 17.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi ito ang araw para manahimik. Huwag palagpasin ang isang kamalian.
Kailangang kumilos. ‘Wag nang palagpasin ang magandang pagkakataon. Lucky color: Violet, lucky number: 24.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang magpokus sa maliliit na pangyayari. Dumistansya pansamantala at pag-aralan ang nangyayari. Kailangan mong makita ang bigger picture at dito mo ibase ang magiging aksyon. Lucky number for today: 5
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mangingibabaw ang masarap na pakiramdam. Bago matangay sa bugso ng damdamin, mag-isip-isip muna. Hind biro ang papasuking sitwas­yon. Mas piliin na ang tahimik at simpleng buhay.Lucky color: Brown, lucky number: 5.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isipin ang sariling kapakanan ang mga nangyayari. Kung wala ka namang mas magandang opsiyon, manatili muna sa kasalukuyan mong posisyon. Huwag biglain ang sarili sa pagbabago na hindi ka pa handa. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi lahat ng ipinararating mong mensahe ay tatanggapin ng lahat. Asahan ang ilang pagtutol. Kailangang linawin ang gustong iparating. Mahirap na mabigyan ng maling interpretasyon ang mga sinasabi. Lucky color: White, lucky number: 6.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Harapin ang isyu na may kinalaman sa pinansyal. Kailangang dagdagan pa ang kontrol sa walang katuturang paggastos. Matutong mag-ipon para may madukot. Lucky color: Brown, lucky number: 5.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-ayos bago lumabas ng bahay. Pag-ukulan ng oras ang self-image. ‘Wag katakutan ang mga bagong personalidad na parating sa buhay mo. Ha­yaan na lang na panahon ang gumawa ng paraan kung babalik ang dating pag-ibig. Lucky color: White, lucky number: 34.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May tensiyon na puwedeng mangyari anumang oras. ‘Wag unahin ang nasaktang pride. Kailangan mong kumalma para hindi na lumaki ang isyu. Lucky color: Brown, lucky number: 21.