Derek Ramsay
Kaarawan: Disyembre 7, 1976
Ang mga lalaking Sagittarius ay mga optimistic at laging nakikita ang positibo sa mga negatibong sitwasyon kaya naman halos lahat ng problema ay nagagawa nilang maayos at masolusyunan nang walang kahirap-hirap.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ibalik ang balanseng buhay. Masyado kang naka-focus sa sarili at nakalimutan mo na ang iba. Oras na para punuan ang pagkukulang. Mas maiintindihan mo ang nangyayari kung magiging bukas ang kaisipan. Lucky color: Green, lucky number: 5.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tignan sa ibang perspektibo ang ideya. Pakiramdaman ang paligid habang naglalakad. Huwag maging mag-focus sa iisang isyu. Lucky color: Brown, lucky number: 54.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maganda ang mood. Iiral ang positive attitude sa pakikisalamuha sa mga bagong kasamahan. Huwag sayangin ang energy sa pag-upo. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sabihin ang laman ng isipan. Hindi lahat ng tao ay mababasa ang iyong saloobin. Bigyan ng tsansa ang isang taong nagkamali. Mahalaga ang komunikasyon. Lucky color: Gray, lucky number: 7.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malalagay sa mataas na posisyon. Magiging mabilis ang pangyayari na parang isang panaginip. Marami ang susuporta sa iyo. I-welcome ang mga darating na tulong. Lucky color: Orange, lucky number:33.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Subukang tignan ang positive side ng ibang tao. Mag-relax lang. Itigil muna ang internal drama. Ikaw ang nagpasimula ng gulo kaya ikaw din dapat ang umayos. Lucky color: Maroon,lucky number: 4.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mataas ang emosyon. May hindi mapigilang damdamin. Mas mabuting magdahan-dahan muna para hindi mapasubo. Kailangang matutunan ang pagsasakripisyo para sa sariling kapakanan. Lucky color: Violet, lucky number: 37.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magsuot ng magandang damit. Ngayon ang tamang oras para sumama sa mga kaibigan. Isantabi ang mga alalahanin. Piliing mabuti ang pintuan na balak pasukin. Lucky color: Blue, lucky number: 34.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mahahanap na ang peace of mind. Maraming oportunidad ang paparating. Maging mabait sa halip na palaaway. Mas susuwertehin sa buhay kung may malinis na kalooban. Lucky color: Pink, lucky number: 6.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Siguraduhin na maayos ang mga iiwanan. Oras na para maglinis ng paligid. Ingat sa paggastos nang sobra. Mahirap iwasan ang bagay na maganda sa iyong paningin. Lucky color: White, lucky number: 37.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag pahirapan ang sarili. Hindi kailangang baguhin ang sarili kung alam mong walang mali sa sitwasyon. Sumali sa mga grupo na makakatulong sa iyo. Huwag matakot na i-express ang sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 6.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahalaga ang komunikasyon sa araw na ito. May mahalagang impormasyon na darating. Hindi pa oras para humanap ng bagong love life. Asikasuhain muna ang sarili para mabawi ang nawalang kumpiyansa. Lucky color: White, lucky number: 19.