Mika dela Cruz
Masarap kausap at masiyahin. Hindi masyadong pabor sa second opinion. Mas pinapahalagahan niya ang sariling opinyon. Gusto niya na tumuklas ng mga bagong lugar at bagong mga kakilala.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas madaling matatapos ang trabaho kapag may makakatulong. Huwag munang solohin ngayon ang mga responsibilidad. Pagbigyan ang isang taong gustong umalalay sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 6.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May tensiyon sa loob ng bahay. Mas mabuting huwag na lang itong pansinin para hindi na lumaki. Piliing maging positibo at huwag hayaang masulsulan ng mga kasama. Lucky color: Maroon, lucky number:48.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maraming pressure sa paligid. Nakikiayon ang mga pangyayari ngayon kasama ang isyu ng pananalapi. Marami kang matatapos na gawain kung walang mabigat na dinadala sa kalooban. Lucky color: Orange, lucky number: 35.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kailangan mong magbigay. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang masusunod. Mas madali ngayon ang makiayon kaysa kumontra lalo na kung tungkol sa usapin sa love life. Lucky color: Gray, lucky number: 1.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang taong malapit sa iyo ang biglang maglalahad ng damdamin. Mabibigla ka sa umpisa pero kalaunan ay lalabas na may damdamin ka rin. Huwag husgahan ang sarili. Mangyayari ang itinakda. Lucky color: Blue, lucky number: 47.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May makikitang liwanag. Ang inaakala mong wala ng pag-asa ay muling mabubuksan para sa iyo. Huwag matakot. May kakaibang saya ang hatid ng bagong pag-ibig. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangang siguraduhin ngayon ang iyong mga plano. Huwag ipaubaya sa suwerte ang lahat. Bagamat maraming aberya sa araw na ito, parte lang ito ng malaking picture na may hatid na galak para sa buong pamilya. Lucky color: White, lucky number: 6.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging intense ang araw na ito. Pero hindi naman kailangan mawalan ng oras sa pagsasaya. Yayain ang mga kaibigan na mamasyal. Makipagkuwentuhan at tawanan ang problema. Lucky color: Gray, lucky number: 46
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag ubusin ang oras sa trabaho. Paglaanan din ng oras ang paglilibang. Ayusin ang sarili. Magsuot ng makulay na damit. Lucky color: Pink, lucky number: 10.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maraming libreng oras ngayong araw. Mas mabuting magpahinga na lang sa bahay at mag-ayos ng mga gamit. May sopresang bisita kaya’t siguraduhing malinis ang bahay. Lucky color: Silver, lucky number: 54.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangan mong maging praktikal sa araw na ito. Isa ring kaibigan ang mangangailangan ng iyong tulong. Magpaalam nang maayos kung gusto nang umalis sa relasyon. Mas madali ngayon ang linya ng komunikasyon kaya’t tawagan ang taong matagal nang hindi nakikita. Lucky color: White, lucky number: 3.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bigyan ng panahon at atensiyon ang iyong kalusugan. Kung may iniisip kang bagong diet o pagpopokus sa bagong ehersisyo, gawin ito. Huwag ipagpabukas ang bagay na importante. Lucky color: Red, lucky number: 25.