Sam Pinto
(Kaarawan:
Disyembre 11, 1989)
Kalmado at gagawin ang lahat para matanggal ang pag-aalala. Mayroon silang secret side na walang nakakaalam kundi sila lang.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang bagong kapitbahay ang pupunta sa iyong bahay. Malaki ang posibilidad na magkakaroon ng magandang samahan. Magkapareho kayo ng interes kaya’t magkakasundo. Lucky color: Brown, lucky number: 22.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maging friendly sa mga party. May maririnig na good news. May bahid ng katotohanan ang balita. Ikaw ang nasa posisyon para i-double check ang mga detalye. Lucky color: Gray, lucky number: 30.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Malakas ang karisma at posibleng may dumating na bagong love life. Kung may karelasyon, makakatanggap ng maraming atensiyon sa araw na ito. Mapapansin na maraming nakatingin at humahanga. Kilalanin munang mabuti bago magtiwala. Lucky color: White, lucky number: 47.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May malakas na pakiramdaman sa araw na ito. Mas mabuting gamitin ang positive energy sa negosyo. Mas mapapalapit sa pamilya pagkatapos ng unos sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 37.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Alamin muna ang inaalok sa negosyo. Mas mabuting magsigurado bago tuluyang pumasok sa kasunduan. Hahangaan dahil sa pagiging matulungin. Ipagpatuloy ang magandang ginagawa. Lucky color: White, lucky number : 18.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nag-iisip ng bagong career dahil sa sobrang stress sa kasalukuyang trabaho. Gusto mong mag-artista. Gawin ang gustong gawin para matupad ang pangarap. Lucky color: Orange, lucky number: 12.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Iprayoridad ang spiritual goal. Sumali sa mga seminar at meditation workshop. Mahihirapang gumawa ng desisyon. Kung anuman ang gustong ikonsidera, gawin ito pero siguraduhin mabuti ang sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming matutuklasan tungkol sa sarili. Huwag mag-set ng limitasyon. Bigyan ng laya para makapagdesisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May dating kaibigan na biglang dadalaw sa iyo. Kung ayaw mo man itong harapin, sabihin na lang ang totoo na gusto mong mag-isa. Tanggapin ang kasawian na bahagi lamang ng buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 48.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung nasa isip ang pagpapalit ng trabaho, may darating na bagong oportunidad. Parang hindi totoo ang magandang puwestong kalalagyan. Magpasalamat na lang at magsaya. Lucky color: White, lucky number: 9.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May malayong biyahe. Pahalagahan ang kaalaman dahil hindi ito maaagaw o makukuha. Magiging curious sa bagong relihiyon na gustong salihan. Ituloy ito kung magiging masaya dito. Lucky color: Orange, lucky number: 28.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mae-excite sa bagong ayos ng bahay. May good impression ang magiging bisita. Mag-stick sa orihinal na plano. Huwag masyadong magpagod para hindi manghina. Lucky color: Violet, luck number: 17.