Lydia de Vega
Kaarawan: Disyembre 12, 1964

Palakaibigan lalo na sa mga ka­tulad niya ng interes at prinsipyo sa buhay. Mabilis silang humanga sa mga tao na mahilig magbasa at magbiyahe. Wala silang ibang hangarin sa isang relasyon kundi ang ­pagiging matapat at mapagmahal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang magsalita ng tapos. Masasayang ang oportunidad kung magiging mapili sa trabaho. ‘Wag patalo sa takot. Walang mangyayari kung ­mananahimik lang. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga sitwasyon na hindi mo inaasahan. Sa mga ganitong pagkakataon masusukat kung sino ang mga tunay na kaibigan. Lucky color: Green, lucky number: 21.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May mga pagkakamali na magagawa sa pagsisimula ng araw. Sa bandang huli ay maituturing mo itong blessing in disguise. Madidismaya sa una pero magpapasalamat ka rin kalaunan. Lucky color: Blue, lucky number: 54.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sa gitna ng delay sa mga plano, iwasang magsalita ng hindi maganda. Maging responsable kahit sa kilos o gawa. Huwag sayangin ang magandang pangalan dahil sa maliit na bagay. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi sa ­lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod. Ikaw naman ang makibagay sa mga kasama. Mas magiging maganda ang kalalabasan ng trabaho kung may pagkakaisa. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Ibaba ang pride. Walang idudulot na maganda sa pagsasama kung magiging mataas. Iwa­san ang pagkukumpara. Hindi lahat ay magkakapareho. May kanya-kanyang katangian ang ­bawat isa. Lucky color: Red, lucky number: 12.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mababawasan ang nararamdaman mong stress kung medyo ibababa ang standard sa buhay. May mga nangyayaring hindi na kailangang bantayan. Magtiwala na may darating na bagong pag-asa. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging madali ang bawat plano kung nakikiayon ang lahat. Huwag magpaimpluwensiya sa iba sa gagawin mong desisyon. Mahirap nang masisi sa maling impormasyon. Lucky color: White, lucky number: 48.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa pagkakataong ito, mas paborable ang pagtutulungan. May mga komplikasyon na mareresolba lamang sa team effort. Ibahin ang maling asal sa pakikitungo sa ibang kasamahan. Lucky color: Red, lucky number: 29.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mo lamang ng determinas­yon. May mga pagsubok at hadlang sa iyong daan pero ang lahat ng ito ay iyong malalagpasan. ­Maniwala sa sariling kakayahan. Lucky color: White, lucky number: 56.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi maiiwasang gumawa ng pagkakamali. ­Isapuso ang magandang aral ng mga nangyari. Magigising sa isang biglaang kaganapan na hindi mo inaasahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maninibago sa simula. Unti-unti mo nang naga­gamay ang lahat sa paglipas ng mga araw. Manatili sa lugar dahil diyan darating ang iyong ­suwerte. Lucky color: Green, lucky number: 40.