ARIES (Marso 21-Abril 19) – Unahin ang mga bagay na importante. Posibleng masaktan ang iyong puso depende kung paano mo lalaruin ang iyong mga baraha. Isipin mo na ang taong focused at hindi nagmamadali ang madalas na nagwawagi sa laban. Lucky color: Red, lucky number: 24.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kahit gaano kalakas ang bagyo, makakaya mo itong malagpasan. Maging confident at positibo. Maglaan ng oras para mabantayan ang mga detalye ng gagawing plano. May kaakibat na pabuya ang ginawang sakripisyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hawakan ang ebidensya at humanda sa malaking aksyon. Magiging emosyunal sa araw na ito. Mabigat ang puso at gusto mo lang umiyak. Lucky color: Brown, lucky number: 4.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maraming drama sa paligid. Hanggang sa bandang gabi, patuloy ang buhos ng emosyon. Tumigil sandali o kaya’y lumabas ng bahay. Mas makakabuting umalis muna para hindi masyadong maapektuhan sa sitwasyon. Lucky color: Peach, lucky number: 15.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May malakas na energy. Gagaan ang mabigat na pakiramdam. Magkaroon ng lakas ng loob at huwag matakot sa pagbabago. Matutong lumaban at huwag nang pumayag na apihin at hamakin. Lucky color: White, lucky number: 50.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ipaglaban ang tamang katwiran. Nasa iyo ang maraming ebidensya para suportahan ang layunin. Malakas at matindi ang pakiramdam. Sundin ang gut instinct sa gagawing desisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ipaliwanag ang opinyon. May isang tao na nagsasalita ng hindi maganda laban sa iyo. Ipagtanggol ang sarili. Gamitin ang talent para makumbinsi ang isang tao. Lucky color: Orange, lucky number: 44.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mayuyugyog ang iyong bangka. Matatapon sa tubig ang mga gamit at mapipilitan kang lumangoy na mag-isa. Huwag agad sumuko. Ayusin ang pag-uugali. Ang sinasabi ng iyong damdamin ang sagot sa iyong mga katanungan. Lucky color: Gray, lucky number: 22.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kumalma lang sa komprontasyon. Kontrolin ang emosyon. Buksan ang komunikasyon dahil marami ang gustong makipag-usap sa iyo. Matutuwa sa mga bagong impormasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 29.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magniningning ka sa araw na ito. Lakasan ang loob. Minsan sa iyong buhay mo lang kokontrahin ang sariling desisyon. Pangatawanan na ito at harapin ang mga posibleng pangyayari. Lucky color: Red, lucky number: 4.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maraming bagay na matutuklasan tungkol sa kasama. Mas mabuting tumahimik na lang muna. May mga bagay na dapat sarilinin para mapag-aralang mabuti ang mga dapat gawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lambingin ang kasuyo. Iwasan ngayon ang anumang argumento. Hindi makakatulong ang diskusyon sa namimiligrong relasyon. Mas mabuting ibahin ang topic para hindi magtalo sa isang lumang isyu. Lucky color: Blue, lucky number: 25.
Allan K
Kaarawan: Disyembre 13, 1958
Hindi na bago sa mga lalaking Sagittarius ang ma-in love. Dahil ang kanilang Sun ay pinaiikot ng Jupiter, sila ang klase ng tao na mabilis ma-in love.
Mas mabuting dumistansya muna sa kanila para mabigyan sila ng oras na matiyak ang kanilang damdamin at intensyon bago ka tuluyang mahulog sa kanilang patibong.