Mark Herras
Kaarawan: Disyembre 14, 1986
Gusto nilang mamuhay na may kalayaan. Ayaw nila ng sinisikil at sinasakal. Kapag naiinip, wala silang ibang gagawin kundi i-explore ang mundo kahit na mag-isa. Pagkatapos nito, hahanapin nila ang magiging ka-partner na kukuwentuhan nila ng kanilang adventure sa buhay.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang sitwasyong inaakala mo na wala nang solusyon ang biglang malulusutan. Isang tao na laging nakaalalay sa iyo ang biglang lilitaw at tutulong. May kailangan kang patunayan hindi lamang sa lahat kundi sa sarili mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging bahagi ka ng isang solusyon sa problema. Huwag akuin ang hindi mo responsibilidad. Kailangang mong magsalita para hindi maabuso. Maraming handang kumampi sa iyong panig. Lucky color: Red, lucky number: 12.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maraming nagmamasid sa bawat kilos mo. Hindi kailangang mailang. Mas mabuting maging natural sa salita at aksyon. Makikita mo ring mas malaki ang taglay mong impluwensiya kaysa inaakala mo. Lucky color: Orange, lucky number: 22.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang pangyayari ang magiging susi ng iyong kalayaan. May lungkot na nararamdaman sa iyong kalooban. Walang gamot para dito maliban sa paglipas ng panahon. Dapat pa ring subaybayan ang galaw ng taong tunay na minamahal. Lucky color: Violet, lucky number: 21.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi kailangang ipagbayad ang narating sa buhay. Mas mabuti na maging humble. Sa pamamagitan nito, mas aani ka ng respeto sa mga kasamahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa araw na ito, malakas ang iyong kutob at hindi ka mapapasama kung sasabihin ang iyong nararamdaman. Pakiramdaman ang nangyayari sa iyong likuran. Maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky color: Violet, lucky number: 54.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang tao na may hindi magandang intensyon ang lalapit sa iyo. Mag-ingat sa matatamis na salita. Makabubuting dumistansya sa kanya at kung hindi naman ay palabasin na lamang sa kabilang tenga ang kanyang mga sinasabi. Lucky color: Gold, lucky number: 32.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi masamang humingi ng payo na may kinalaman sa iyong lovelife. Gayunpaman, ang kanilang mga sasabihin ay matagal mo na ring alam. Nasa iyo ang sagot sa iyong mga tanong. Lucky color: Red, lucky number: 3.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maging seryoso. Maghanap ng kasiyahan sa bawat nangyayari at makikita mong hindi naman kailangang ikalungkot ang lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 29.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi masamang magbago ng desisyon. Pag-aralan ang mga posibilidad at bagong opsyon. Ikaw din ang malalagay sa peligro kung papalpak. Pag-isipang mabuti ang bawat hakbang. Lucky color: Orange, lucky number: 22.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may gusto kang sabihin, gawin ito ngayong araw. Iwasan na ang paligoy-ligoy. Maging prangka. Itigil na ang pagpapanggap na okay ka. Kailangang maalis o maayos na ang mga gumugulo sa isipan. Lucky color: Gray, lucky number: 50.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kailangan mong linawin sa taong mahal mo kung ano ang ipinupunto mo. Mas mauunawaan ka niya kung sa iyo mismo manggagaling ang gustong sabihin. Magiging maayos ang samahan kung tapat sa isa’t isa. Lucky color: Blue, lucky number: 29.