Manny Pacquiao

(Kaarawan: Disyembre 17, 1978)
Mahirap magtiwala sa damdamin ng mga lalaking Sagittarius. Madalas na okay silang kausap at kasama pero sa isang iglap ay biglang magbabago ang ihip ng hangin. Gayunman, sa sandaling makita niya ang purpose sa isang relasyon, kaya nilang maging committed at tapat sa mahabang panahon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Challenging ang araw na ito dahil napapaligiran ka ng mga taong humihingi ng pabor. Isang mensahe ang big­lang lilitaw sa isipan. Gawin itong basehan ng desisyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alagaan ang sarili at mga pangangailangan. Hindi ka makakatulong sa iba kung ikaw din ang may dinaramdam. Tumayo at kumilos. Magpalakas ng katawan. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ibahin ang approach. Buksan ang sarili sa maraming oportunidad. Masyado kang vulnerable sa araw na ito. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon.Lucky color: Brown, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mara­ming kontra sa paligid. Parang walang tama sa iyong ginagawa. Magdudulot ito ng problema sa iyong panig. Gayunman, madali mo itong malulutusan. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Perfect ang araw na ito sa pananalapi. Mag-focus sa sariling pangangailangan. May biglaang okasyon. Isang paalala ito ng isang mas malaking event sa hinaharap. Maghanda. Lucky color: Gold, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ibaba ang pride. Mas lalong lalaki ang hidwaan kung magsasalita ng hindi maganda. Kontrolin ang temper. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Pabago-bago ng isip. Mahihirapang iwasan ang bagay na gusto mo. Ipagdasal ang iyong desisyon. Kailangan mong piliin ang tama at nararapat. Lucky color: Red, lucky number: 4.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May kakaiba sa araw na ito. Matutong makisama sa ibang tao. Sa sitwasyon na kinalalagyan mo, mas mabuting umalis nang tahimik para hindi ka masyadong mapansin. Lucky color: Gold, lucky numner: 34.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag masyadong maging arogante. Unawain ang pangyayari. Nasa iyo ang tamang sagot. May hindi inaasahan na darating. Mag-i­ngat sa mga taong may inggit. Lucky color:­ Brown, lucky number: 1.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Hindi mo dapat problemahin ang hindi mo problema. Mas mabuting tumulong na lang o umalalay. Mauubos ang iyong lakas kung makikisawsaw pa sa gulo. Dumistansya muna sa kanila. Lucky color: Gray, lucky number: 48.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – I-express ang saloobin. Bigyan ng laya ang sarili na gumawa ng desisyon. Oras na para ipakita na kayo mong tumayo sa sariling mga paa. Lucky color: Blue, lucky number: 20.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahihirapang labanan ang magkasalungat na opinyon. I-maintain ang balance sa sitwasyon. May isang kasama na makakatulong ng malaki sa iyong problema. Huwag kalimutang magpasalamat. Lucky color: Violet, lucky number: 53.