Criss Angel (Magician)

Kaarawan:December 19, 1967

May komplikadong personalidad ang mga lalaking Sagittarius dahil marami silang nakatagong maskara na sa katagalan mo lang makikita. Ang hanap nila sa mga babae ay ang iyong independent at la­ging may oras para sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Babalik ang dating sigla makaraan ang ilang araw na pananamlay. I-enjoy ang good mood sa araw na ito. Lalabas ang tapang dahil sa hindi sinasadyang sitwasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 39.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lu­mabas sa magulong lugar. Huwag masyadong alalahanin ang mga nangyari. Kailangan ng atensiyon ng minamahal. Pupugin ito ng yakap at mga halik. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging mahina sa tawag ng tukso. Ikaw lang ang makakagawa ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Hanapin ang larangan kung saan ka mage-excel. Lucky color: White, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung hindi mag-iingat, posib­leng masadlak sa malaking problema. Babalik sa iyo ang maling ginawa mo. Habang lalo mong kinokontrol ang isang tao, mas lalo itong magpupumiglas. Mas mabuting pakawalan muna ito. Lucky color: Violet, lucky number: 12.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magi­ging maganda ang buong araw. May kakaibang karanasan na magaganap. May dahan-dahan na enerhiya na lalapit at magbibigay ng matinding emosyon. Maging generous sa malapit na kaibigan. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May hihingi ng pabor. Hindi lahat ay matutuwa sa iyong opinyon. May bahagi ng iyong buhay na hindi balanse. Piliting maayos ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Blue, lucky number: 25.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Balansehin ang sitwasyon. Kaila­ngan ngayon ang ibayong pang-unawa. Pakinggan ang dalawang panig para ma­ging patas. Huwag ibuhos ang buong tiwala sa isang tao na kakikilala pa lamang. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahirap kang maka-relate sa isang bagay na hindi mo naranasan. Ha­yaan lang ang mga nangyari at mag-enjoy. Huwag makisawsaw sa hindi mo problema. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magiging makulay ang buhay. Huwag hayaang humadlang ang ibang tao sa iyong daraanan. Kung kinakailangan ay ipaglaban ang iyong karapatan. Lucky color: White, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mo ngayon ang mahigpit na yakap. Huwag pumatol sa mababaw na sigalot. Mas lalala ang problema kung paiiralin ang init ng ulo. Huminga ng malalim bago lumabas ng bahay. Lucky color: Red, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ipakita ang pagiging palaban. Magsuot ng maayos na damit kung makikipagkita sa isang mataas na tao. Maging honest sa mga naabot sa buhay. Huwag kalimutang magpasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Alamin ang sariling pangangailangan. Huwag magpa-bully. Marami kang regalo na dapat ipagpasalamat. May suwerte sa bagong lugar na tinitirahan. Lucky color: Blue, lucky number: 4.