Horoscope 12/21/2018

Ryza Cenon

Kaarawan: Disyembre 21, 1987

Kailangan ng babaeng Sagittarius ng isang kapartner na magbibigay sa kanya ng tunay na pagmamahal, pag-aalaga at dedikasyon na kagaya ng kaya niyang ibigay. Realistic at mahilig sa adventure. Mas gusto niya ang mga aktibidad sa labas ng bahay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Marami kang puwedeng ibigay o i-contribute. Bigyan ng kredito ang sarili sa magandang nagawa. Maglaan ng oras para makapag-isip at magmuni-muni. Nasa iyo ang suporta ng mga kaibigan at pamilya. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kahit na ayaw mong aminin, hinahanap mo ang paglalam­bing. Tanggapin ang masaya at malungkot na nakaraan. Mararating mo ang minimithing tagumpay. Lucky color: Green, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magpahinga sa buong maghapon. Dahil sa tension ay hindi mapapansin ng iba ang iyong mga sinasabi. Iwa­san ang pakikialam. Mas mabuting magbasa na lang nang tahimik. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isipin ang mga nasayang na oras. Magbigay ng mara­ming time sa pamilya. May hindi magandang resulta ang isang desisyon. Kung pumalpak man, bumawi na lang sa susunod. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-isip munang mabuti bago pumasok sa commitment. Mara­ming dapat isaalang-alang sa buhay. May magandang proposal na matatanggap. Magtiwala sa ins­tinct dahil hindi ka nito ipapamahamak. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging super abala. Dahil sa popularidad, marami ang lalapit at magpapakilala. Iwasang ma-stress sa ginagawa dahil hindi ka naman minamadali. May bagong pag-asa na naghihintay sa bagong lugar. Lucky color: Red, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mabibiyayaan sa sobrang kasipagan. Hangga’t maari ay i-off muna ang cellphone para maka-relax muna. Matulog, at mag-meditate. Lucky color: Gray, lucky number: 55.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ngayon ang oras para sa bagong simulain. Matutong tumanggi. Kung hindi mo feel ang inaalok sa iyo ay huwag mong bilhin. Unahin lagi ang sariling kapakanan. Lucky color: White, lucky number: 18.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – I-assert ang opinyon, pero huwag mas­yadong exaggerated sa mga ideya. Mas madali kang maiintindihan kung magiging simple sa salita. Marami ang lalapit dahil sa tila magnet na karisma. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Gamitin ang malakas na personalidad. May impluwensiya ito sa iyong productivity at creativity. Samantalahin ang sunod-sunod na suwerte. Ngayon mo mapapatunayan na may himala. Lucky color: Pink, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Matutuklasan ang talento sa pagsusulat. Maraming gustong sabihin pero hindi alam kung paano magsisimula. Huminga muna ng malalim bago ibuka ang bibig. Lucky color: Gold, lucky number: 27.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas gustong maglagi sa higaan dahil sa binabasang lib­ro. May trabaho na kailangang tapusin. May makikilala na isang taong matagal nang naghaha­nap sa iyo. Mag-alarm para walang makalimutan sa mga appointment. Lucky color: Brown, lucky number: 1.